
Tagalog Mass - Pentecost Sunday Mass with Fr Mario Dorado, OFMCap.
Celebrated by Fr. Mario Dorado OFM Cap at St. Dominic's Parish Blockhouse Bay.
Unang Pagbasa [Gawa 2:1-11, Acts 2:1-11]
NANG sumapit ang araw ng
Pentekostes, nagkatipon silang
lahat sa isang lugar. At biglang
narinig ang isang ugong mula sa
langit, animo’y hagunot ng malakas
na hangin, at napuno nito ang
bahay na kinaroroonan nila. May
nakita silang wari’y mga dilang
apoy na lumapag sa bawat isa sa
kanila. At silang lahat ay napuspos
ng Espiritu Santo at nagsalita ng
iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob
sa kanila ng Espiritu.
May mga Judiong buhat sa
iba’t ibang bansa, na naninirahan
noon sa Jerusalem, mga taong
palasamba sa Diyos. Nang marinig
ang ugong na ito, nagdatingan
ang maraming tao. Namangha sila
sapagkat sinasalita ng mga alagad
ang mga wika nila. Sa kanilang
pagtataka ay kanilang nasabi,
“Hindi ba Galileo silang lahat?
Bakit ang atin-ating katutubong
wika ang naririnig natin sa kanila?
Tayo’y mga taga-Partia, mga
taga-Media, mga taga-Elam; mga
naninirahan sa Mesopotamia, sa
Judea at sa Capadocia, sa Ponto,
at sa Asia. Mayroon pa sa ating
taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa
mga saklaw ng Libia na sakop ng
Cirene, at mga nakikipanirahan
mula sa Roma, maging mga
Judio at mga naakit sa Judaismo.
May mga taga-Creta at Arabia pa
rito. Paano sila nakapagsasalita
sa atin-ating wika tungkol sa mga
kahanga-hangang gawa ng Diyos?
— Ang Salita ng Diyos.
B - Salamat sa Diyos.
Salmong Tugunan (Slm 103)
T - Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ’yong baguhin.