top of page

A message from ACFC Pastoral Council Vice-Chairman

Pasasalamat at Pagkilala - ACFC 2025


Taos puso naming ipinapaabot ang aming malalim na pasasalamat sa buong ACFC Pastoral Council sa kanilang walang sawang pagsisikap, dedikasyon, at tapat na paglilingkod ngayong 2025. Ang inyong sipag at pagkakaisa ang naging matibay na sandigan sa patuloy na paglago ng ating komunidad.


Lubos din naming pinasasalamatan ang lahat ng volunteers ng ating simbahan na buong pusong naglaan ng oras at lakas upang suportahan ang bawat gawain at okasyon ng simbahan. Ang inyong tahimik ngunit mahalagang serbisyo ay tunay na biyaya para sa lahat.


Isang espesyal na pagkilala ang ibinibigay namin sa ating kabataan (ACFC Youth), na ngayon ay aktibong nakikibahagi sa iba’t ibang ministeryo. Ang inyong sigla, pananampalataya, at kahandaang maglingkod ay nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa hinaharap ng ating Simbahan.


Kami rin ay nagpapasalamat sa lahat ng devotional groups na patuloy na nakikipag-ugnayan at nakikiisa sa ACFC. Ang inyong pakikipagtulungan at pagkakaisa ay patunay na mas nagiging makabuluhan ang paglilingkod kapag tayo ay sama-sama bilang iisang katawan ni Kristo.


Hindi rin namin nakakalimutang pasalamatan ang lahat ng nagsisimba at miyembro ng komunidad na patuloy na sumusuporta, nakikiisa, at nagbibigay inspirasyon sa amin upang lalo pang pagbutihin ang aming paglilingkod. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy kaming nagsisikap at naglilingkod nang buong puso.


Higit sa lahat, pinupuri at pinasasalamatan namin ang Panginoon sa Kanyang walang hanggang gabay, lakas, at karunungan na ipinagkaloob Niya sa amin sa buong taong ito. Sa Kanya nagmumula ang lahat ng biyaya na nagbigay daan upang kami ay makapaglingkod sa Kanya at sa komunidad.


At sa aming Chaplain Father Gilbert Ramos, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa kanyang patuloy na paggabay, walang sawang pagtitiyaga, at buong pusong suporta sa ACFC at sa buong pamayanan.


Sa ating mga kababayan, sa 2026 ay lalo pa naming palalalimin at paiigtingin ang aming paglilingkod. Makakaasa kayo na ang ACFC ay patuloy na magiging handang makinig, maglingkod, at umalalay sa ating komunidad, kasama ninyo kami sa bawat hakbang ng ating pananampalataya.


Maraming salamat po sa inyong lahat. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglilingkod nang may pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal para sa Diyos at sa kapwa. 🙏


God bless!


Jeremie de Guzman

ACFC Vice Chairman

Comments


bottom of page