Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
DAKILANG KAPISTAHAN NG KABANAL-BANALANG SANTATLO - TAON K
Kawikaan 8, 22-31
Bago pa nilikha itong mundo, ang Karunungan ay isinilang na.
Pagbasa mula sa aklat ng Mga Kawikaan
Ito ang sinasabi ng Karunungan ng
Diyos:
"Sa lahat ng nilikha ng Poon, ako ang
siyang una,
noong una pang panahon ako ay
nilikha na.
Matagal nang panahon nang anyuan
niya ako,
bago pa nilikha at naanyo itong
mundo.
Wala pa ang mga dagat nang ako'y
lumitaw,
wala pa ang mga bukal ng tubig na
malilinaw.
Wala pa ang mga burol, ganoon din
ang mga bundok,
nang ako ay isilang dito sa sansinukob.
Ako muna ang nilikha bago ang lupa
at bukid,
nauna pa sa alabok, at sa lupang
daigdig.
Nang likhain ang mga langit, ako ay
naroon na,
maging nang ang hangganan ng langit
at lupa'y italaga.
Naroon na rin ako nang ang ulap ay
ilagay,
at nang kanyang palitawin ang bukal
sa kalaliman.
Nang ilagay niya ang hangganan
nitong dagat,
nang patibayan nitong mundo ay
ilagay at itatag,
ako'y lagi niyang kasama at katulong
sa gawain,
ako ay ligaya niya at sa akin siya'y
aliw.
Ako ay nagdiwang nang daigdig ay
matapos,
dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay
na lubos."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9
Ang likha mong langit, kung aking
pagmasdan,
pati mga tala, bituin at buwan;
ano nga ang tao upang 'yong
alalahanin?
Ay ano nga siya na sukat mong
kalingain?
Tugon: Maningning ang iyong ngalan, Poon, sa sangkalupaan.
Nilikha mo siya, na halos kapantay
Ng iyong luningning at kadakilaan!
Pinamahala mo sa buong daigdig,
sa lahat ng bagay malaki't maliit.
Tugon: Maningning ang iyong ngalan, Poon, sa sangkalupaan.
Mga baka't tupa, hayop na mabangis
At lahat ng ibong nasa himpapawid,
at maging sa isda, sa 'lalim ng tubig.
Tugon: Maningning ang iyong ngalan, Poon, sa sangkalupaan.
Roma 5, 1-5
Para sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo sa pag-ibig na ibinuhos sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid:
Yamang napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong Hesukristo, sa pamamagitan niya'y mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos. Sa pamamagitan nga niya'y tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at lubos tayong nagagalak sa ating pag-asa na makakasama sa kanyang kaluwalhatian. Bukod dito, nagagalak tayo sa ating mga pagbabata sapagkat alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagbubunga ng pag-asa. Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin.
Ang Salita ng Diyos.
Pahayag 1, 8
Aleluya! Aleluya!
Dakila ang Amang mahal,
Anak, Espiritung Banal,
noon, ngayon, kailan pa man.
Aleluya! Aleluya!
Juan 16, 12-15
Ang lahat ng sa Ama ay akin. Sa akin magmumula ang ipapahayag ng Espiritung Banal sa inyo.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang mga kayo, bagay na darating. Pararangalan niya ang sapagkat sa akin magmumula ipapahayag niya inyo. Ang lahat ng sa sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin niya sa magmumula ipapahayag ang inyo."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.