Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-8 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON K
Sirak 27, 5-8 (gr. 4-7)
Huwag mo munang pupurihin ang isang tao hanggang hindi nakapagsasalita.
Pagbasa mula sa aklat ni Sirak
Pag niliglig mo ang bistay, maiiwan
ang magaspang;
pag ang tao'y nagsalita, kapintasa'y
lumilitaw.
Ang gawa nasusubok, ng magpapalayok ay sa
hurno ng sinuma'y makikita sa
ang pagkatao
usapan. punongkahoy nakikilala
Sa bunga ng
ang ginagawang pag-aalaga;
sa pangungusap ng isang tao,
damdamin niya'y nahahalata.
Huwag mo munang pupurihin ang
isang tao hanggang hindi
nakapagsasalita,
sapagkat doon mo pa makikilala ang
tunay niyang puso't diwa.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 91, 2-3. 13-14. 15-16
Ang magpasalamat
sa Panginoong Diyos ay mabuting
bagay,
umawit na lagi
purihin ang ngalang Kataas-taasan.
Pag-ibig n'yang wagas
ay dapat ihayag, kung bukang-
liwayway,
Pagsapit ng gabi
ang katapatan n'ya'y ihayag din naman.
Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D'yos.
Katulad ng palma,
ang taong matuwid tatatag ang buhay,
parang mga sedro.
Kahoy sa Libano, lalagong mainam.
Parang punongkahoy
na doon natanim sa tahanan ng Diyos,
sa banal na templo
ito ay lalago na nakalulugod.
Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D'yos.
Tuloy ang pagbunga
kahit na ang punong ito ay tumanda,
luntia't matatag,
at ang dahon nito ay laging sariwa.
Ito'y patotoo
na ang Panginoo'y tunay na matuwid,
Siya kong sanggalang,
matatag na batong walang bahid
dungis.
Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D'yos.
1 Corinto 15, 54-58
Binigyan tayo ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo.
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, kapag napalitan na ng
walang pagkabulok ang nabubulok at
napalitan na ng walang kamatayan ang
namamatay, matutupad ang nasasaad sa
Kasulatan: "Nalupig na ang kamatayan;
ganap na ang tagumpay!"
"Nasaan, O kamatayan, ang iyong
tagumpay?
nasaan, O kamatayan, ang iyong
kamandag? 'd
Ang kamandag ng kamatayan ay ang
kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay
nagmumula sa Kautusan. Magpasalamat
tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng
tagumpay sa pamamagitan ng ating
Panginoong Hesukristo!
Kaya nga, mga kapatid, magpakatatag
kayo at huwag matitinag. Magpakasipag
kayo sa gawain para sa Panginoon
yamang alam ninyong di nasasayang ang
inyong pagpapagal para sa kanya.
Ang Salita ng Diyos.
Filipos 2, 15d. 16a
Aleluya! Aleluya!
Sa daigdig ay laganap
liwanag na sumisikat
Salitang buhay ng lahat.
Aleluya! Aleluya!
Lucas 6, 39-45
Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, tinanong ni Hesus ang mga alagad nang patalinghaga: "Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya'y magiging katulad ng kanyang guro.
"Ang tinitingnan mo'y ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong 'Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,' gayung hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo'y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.
"Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag. Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.