Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-28 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON K
2 Hari 5, 14-17
Nagbalik si Naaman kay Eliseo at nagpuri siya sa Panginoong Diyos.
Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari
Noong mga araw na iyon, si Naaman ay lumusong sa Ilog Jordan at lumubog ng pitong ulit. At tulad ng sinabi ni Eliseo, nanauli sa dati ang kanyang katawan at kuminis mula sa ketong ang kanyang balat, tulad ng balat ng sanggol.
Si Naaman at ang kanyang mga kasama ay nagbalik kay Eliseo. Sinabi niya, "Ngayo'y napatunayan kong walang ibang diyos sa ibabaw ng lupa kundi ang Diyos ng Israel. Narito, pagdamutan ninyo itong maliit kong nakayanan."
Ngunit sinabi ni Eliseo, "Buhay ang Panginoong Diyos na aking pinaglilingkuran. Hindi ako tumatanggap kahit ano." Pinilit siya ni Naaman ngunit nagpakatanggi-tanggi siya.
Dahil dito, sinabi ni Naaman, "Kung ayaw ninyo itong tanggapin, maaari po ba namang kargahan ko ng lupa rito ang dalawa kong kabayo? Mula ngayon, hindi na ako maghahandog sa ibang diyos maliban sa Panginoon."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4
Umawit ng bagong awit at sa Poon ay
ialay,
pagkat yaong ginawa n'ya ay kahanga-
hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na
kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad
na tagumpay.
Tugon: Panginoong nagliligtas sa tanang bansa'y nahayag.
Ang tagumpay niyang ito'y siya na rin
ang naghayag,
sa harap ng mga bansa'y nahayag ang
pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang
tinutupad.
Tugon: Panginoong nagliligtas sa tanang bansa'y nahayag.
Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay
wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan
ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat
sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa
pag-awit!
Tugon: Panginoong nagliligtas sa tanang bansa'y nahayag.
2 Timoteo 2, 8-13
Kung tayo man ay magtiis ng hirap, maghahari naman tayong kapiling ni Kristo.
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo
Pinakamamahal ko, alalahanin mo si Hesukristo, ang nagmula sa angkan ni David at ang muling nabuhay. Ito ang Mabuting Balitang ipinangangaral ko, ang dahilan ng aking pagdurusa hanggang sa magapos na tulad ng isang salarin. Ngunit hindi maigagapos ang salita ng Diyos. Pinagtitiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magtamo rin sila ng kaligtasang mula kay Kristo Hesus, at ng walang hanggang kaluwalhatian. Narito ang kasabihang mapananaligan:
"Kapag tayo'y namatay na kalakip ni
Hesukristo,
walang salang mabubuhay na kasama
niya tayo;
kung tayo man ay magtiis ng hirap sa
mundong ito,
maghahari naman tayong kapiling ng
ating Kristo;
kapag siya'y itinakwil sa harapan ng
mga tao
pagdating ng takdang araw, itatakwil
niya tayo.
Kung tayo ma'y hindi tapat, si Kristo
ay tapat pa rin
sapagkat ang sa kanya ay hindi niya
itatakwil."
Ang Salita ng Diyos.
1 Tesalonica 5, 18
Aleluya! Aleluya!
Ang D'yos Ama'y naghahangad
lagi tayong pasalamat
kaisa ng kanyang Anak.
Aleluya! Aleluya!
Lucas 17, 11-19
Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siya'y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng: " Hesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!" Nang makita sila ay sinabi niya, "Humayo kayo at pa kita sa mga saserdote.'. At samantalang sila'y naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y Samaritano. "Hindi ba sampu ang gumaling?" tanong ni Hesus. "Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito? " Sinabi ni Hesus sa kanya, " Tumindig ka't humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.