Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-22 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON K
Sirak 3, 19-21. 30-31 (gr. 17-18. 20. 28-29)
Magpakumbaba ka at kalulugdan ka ng Panginoon.
Pagbasa mula sa aklat ni Sirak
Anak ko, maging mapagpakumbaba
ka sa pagtupad ng tungkulin,
at mamahalin ka ng mga malapit sa
Diyos.
Habang ikaw'y dumadakila, lalo ka
namang magpakumbaba;
sa gayo'y kalulugdan ka ng
Panginoon.
Huwag mong hangaring maunawaan
ang mga bagay na lampas sa iyong
kakayahan,
huwag mong saliksikin ang hindi mo
kayang malaman.
Nililimi ng matinong tao ang mga
talinghaga;
nawiwili silang makinig pagkat nais
nilang matuto.
Kung ang tubig ay nakamamatay ng
apoy,
ang paglilimos ay nakapapawi ng
kasalanan.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 67, 4-5ak. 6-7ab. 10-11
Ang lahat ay nagagalak, natutuwa ang
matuwid;
sa harapan nitong Diyos, galak nila'y di
malirip.
Awitan ang Panginoon, purihin ang
kanyang ngalan.
Ang pangalan niyang banal, magalak na
papurihan,
Tugon: Poon, biyaya mo'y 'bigay
sa mahirap naming buhay,
Ang Diyos na naroroon sa tahanan
niyang templo,
tumitingin sa ulila't sanggalang ng mga
balo.
May tahanan siyang laan sa sinumang
nalulungkot,
ang bilanggo'y hinahango upang sila ay
malugod.
Tugon: Poon, biyaya mo'y 'bigay sa mahirap naming buhay.
Dahil sa 'yo, yaong ulang masagana ay
pumatak,
lupain mong natuyo na'y nanariwa at
umunlad.
At doon mo pinatira yaong iyong mga
lingkod,
ang mahirap nilang buhay sa biyaya ay
pinuspos.
Tugon: Poon, biyaya mo'y 'bigay sa mahirap naming buhay.
Hebreo 12, 18-19. 22-24a
Ang nilapitan ninyo'y ang Bundok ng Sion at ang lungsod ng Diyos na buhay.
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo
Mga kapatid, hindi kayo lumapit, ng paglapit ng mga Israelita, sa gaya bundok na nakikita sa Bundok ng isang Sinai na may nagliliyab na apoy, balot ng pusikit na kadiliman, may malakas na hangin, may tunog ng trumpeta, at tinig na nagsasalita. Nang ang tinig na ito'y marinig ng mga tao, isinamo nilang tumigil iyon ng pagsasalita sa kanila.
Ang nilapitan ninyo'y ang Bundok ng Sion at ang lungsod ng Diyos na buhay, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di-mabilang na anghel. Lumapit kayo sa masayang pagkakatipon ng mga ibinilang na panganay, na nakatala sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos. Lumapit kayo kay Hesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan.
Ang Salita ng Diyos.
Mateo 11, 29ab
Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
Dalhin n'yo ang aking pasan;
Kaamuan ko'y tularan.
Aleluya! Aleluya!
Lucas 14, 1. 7-14
Ang nagpapakataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.
Napansin ni Hesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin. Kaya't sinabi niya ang talinghagang ito: "Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, 'Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?' Sa gayo'y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, 'Kaibigan, dini ka sa kabisera.' Sa gayon, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."
Sinabi naman ni Hesus sa nag-anyaya sa kanya: "Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo'y nagantihan ka. Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo'y magiging mapalad ka. Gagantihan ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.