Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON K
Isaias 66, 18-21
Ibabalik nila ang mga kababayan ninyo buhat sa pinagtapunan sa kanila.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Ito ang sinasabi ng Panginoon: "Nalalaman ko ang iniisip nila at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at mga taong iba't iba ang wika. Malalaman nila kung gaano ako kadakila. Malalaman din nilang ako ang nagpaparusa sa kanila. Ngunit magtitira ako ng ilan upang ipadala sa iba't ibang bansa. Susuguin ko sila sa Tarsis, sa Pul at sa Lydia, mga dakong sanay sa paggamit ng pana. Magsusugo rin ako sa Tubal at Javan, at sa mga baybaying hindi pa ako nababalita sa aking kabantugan. Ipahahayag nila sa lahat ng bansa kung gaano ako kadakila. Bilang handog sa akin sa banal na bundok sa Jerusalem, ibabalik nila ang mga kababayan ninyo buhat sa pinagtapunan sa kanila. Sila'y darating na sakay ng mga kabayo, asno, kamelyo, karwahe at kariton, tulad ng pagdadala ng mga handog na butil sa Templo, nakalagay sa malilinis na sisidlan. Ang ilan sa kanila ay gagawin kong saserdote at ang ilan ay Levita."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 116, 1.2
Purihin ang Poon!
Dapat na purihin ng lahat ng bansa,
Siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa.
Tugon: Humayo't dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.
Pagkat ang pag-ibig
na ukol sa ati'y dakila at wagas,
at ang katapatan niya'y walang wakas.
Tugon: Humayo't dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.
Hebreo 12, 5-7. 11-13
Pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig niya.
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo
Mga kapatid, nalimutan na ba ninyo ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya - mga salitang nagpapalakas ng loob ninyo?
"Anak, huwag kang magwalangbahala kapag itinutuwid ka ng Panginoon,
at huwag panghinaan ng loob kapag ikaw ay pinarurusahan niya.
Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig niya,
at pinapalo ang itinuturing niyang anak."
Tiisin ninyo ang lahat bilang pagtutuwid ng isang ama, sapagkat ito'y nagpapakilalang kayo'y inaari ng Diyos na kanyang mga anak. Sinong anak ang hindi itinuwid ng kanyang ama? Habang tayo'y itinutuwid hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis. Ngunit pagkaraan niyon, lalasap tayo ng kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay.
Kaya't palakasin ninyo ang inyong lupaypay na katawan at tipunin ang nalalabi pang lakas! Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi tuluyang mapilay, kundi gumaling ang pa ang nalinsad.
Ang Salita ng Diyos.
Juan 14, 6
Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana't Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!
Lucas 13, 22-30
Darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay. Siya'y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang lem. May dinaraanan patungong Jerusaisang nagtanong sa kanya, "Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?" Sinabi niya, "Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok.
"Kapag ang pinto'y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, 'Panginoon, papasukin po ninyo kami.' Sasagutin niya kayo, 'Hindi ko alam kung tagasaan kayo!' At sasabihin ninyo, ninyo, at nagturo pa 'Kumain po kami at uminom na kasalo
lansangan namin.' Sasabihin kayo sa mga 'Hindi ko alam kung naman ng Panginoon, tagasaan kayo! Lumayo ng masama!' kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama'y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.