Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-2 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON K
Isaias 62, 1-5
Kung gaano kaligaya ang kasintahang lalaki sa araw ng kanyang kasal, gayon magagalak sa iyo ang Diyos.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Magsasalita ako para lumakas ang loob
ng Jerusalem.
Hindi ako tutugot hangga't hindi siya
naililigtas,
hangga't ang tagumpay niya
ay hindi nagliliwanag
na tulad ng sulo sa gabi.
Ang lahat ng bansa'y
pawang makikita ang iyong tagumpay
at mamamalas ng lahat ng hari ang
iyong kadakilaan.
Ikaw'y tatawagi't
bibigyan ng Poon ng bagong pangalan.
Ikaw ay magiging magandang korona
sa kamay ng Diyos,
korona ng Poon na nakalulugod.
Hindi ka na tatawaging "Itinakwil,
ni ang lungsod mo'y hindi rin
tatawaging
"Asawang Pinabayaan."
Ang itatawag na sa iyo'y "Kinalugdan
ng Diyos,
at ang lupain mo'y tatawaging
"Maligayang Asawa,"
pagkat ang Diyos ay nalugod sa iyo,
at sa lupain mo,
siya ay magiging tulad ng asawa.
At ikaw Israel
ay ituturing niyang kasintahan,
ang manlilikha mo'y pakakasal sa iyo.
Kung gaano kaligaya ang kasintahang
lalaki
sa araw ng kanyang kasal,
gayon magagalak sa iyo ang Diyos.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 7-8a. 9-10a at k
Purihin ang Panginoon, awitan ng
bagong awit;
ang Poon ay papurihan nitong lahat sa
daigdig!
Tugon: Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas.
Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay
purihin;
araw-araw ang ginawang pagliligtas ay
banggitin.
Kahit saa'y ipahayag na ang Poon ay
dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang
gawa.
Tugon: Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas.
Panginoon ay purihin ng lahat sa
daigdigan!
Purihin ang lakas niya at ang kanyang
kabanalan!
Ang pagpuri ay iukol sa pangalan
niyang banal,
dumulog sa kanyang templo't
maghandog ng mga alay.
Tugon: Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas.
Kung ang Poon ay dumating, sa likas
n'yang kabanalan,
humarap na nanginginig ang lahat sa
daigdigan.
U Panginoo'y siyang hari," sa daigdig ay
sabihin,
usa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa
paningin.
Tugon: Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas.
1 Corinto 12, 4-11
Iisa lamang Espiritu ang namamahagi ng iba't ibang kaloob, ayon sa kanyang maibigan.
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid:
Iba't iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba't iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon. Ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat. Sa isa'y ipinagkaloob sa pamamagitan ng Espiritu ang kakayahang magpahayag ng mga aral ng Diyos, at sa isa'y ang kakayahang makaunawa ng aral ng Diyos. Ang iisang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng malaking pananalig sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit. May pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga kababalaghan; may pinagkalooban naman ng kahusayan sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. At may pinagkalooban din ng kakayahang makakilala kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang mula sa masamang espiritu. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita sa iba't ibang wika, at sa iba naman, ang magpaliwanag niyon. Ngunit isa lamang Espiritu ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob, ayon sa kanyang maibigan.
Ang Salita ng Diyos.
2 Tesalonica 2, 14
Aleluya! Aleluya!
Tayo'y tinawag ng Diyos
upang magningning na lubos
sa aral ni Kristo Hesus.
Aleluya! Aleluya!
Juan 2, 1-11
Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea, ay siyang unang kababalaghang ginawa ni Hesus.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Hesus. Si Hesus at ang kanyang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alak kaya't sinabi ng ina ni Hesus sa kanya, "Naubusan sila ng alak." Sinabi ni Hesus, "Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon mga ko." Sinabi ng kanyang ina sa naglilingkod, "Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo."
Doo'y may anim na tapayan, ang bawat isa'y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galon. Nakalaan ang mga ito para sa paglilinis ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio. Sinabi ni Hesus sa mga katulong, "Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan." At pinuno nga nila hanggang sa labi. Pagkatapos, sinabi niya, "Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan." Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. Tinikman naman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, bagamat alam ng mga katulong na sumalok ng tubig, kaya't tinawag niya ang lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, "Ang una pong inihahain ay ang masarap na alak. Kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit ipinagpahuli ninyo ang masarap na alak."
Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea, ay siyang unang kababalaghang ginawa ni Hesus. Sa pamamagitan nito'y inihayag niya ang kanyang kadakilaan, at nanalig sa kanya ang mga alagad.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.