Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-11 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON K
2 Samuel 12, 7-10. 13
Pinatawad ng Panginoon ang iyong kasalanan: hindi ka na mamamatay.
Pagbasa mula sa ikalawang aklat ni Samuel
Noong mga araw na iyon, sinabi ni Natan kay David, "Ito ang ipinasasabi sa inyo ng Panginoong Diyos ng Israel: 'Itinalaga kitang hari sa Israel, iniligtas kita sa kamay ni Saul, ibinigay ko na rin sa iyo ang sambahayan at mga asawa ng iyong amo pati ang sambahayan nina Israel at Juda. At maibibigay ko sa iyo ang higit pa riyan. Bakit mo pinaglaruan ang salita ng Panginoon at gumawa ka nang labag sa kanyang kalooban? Ipinapatay mo na si Urias, kinuha mo pa ang kanyang asawa. Oo, ipinapatay mo ang Heteong iyon sa mga Ammonita upang makuha mo ang asawa niya. Yamang ginawa mo ang mga bagay na iyon at ako'y itinakwil mo, tandaan mong laging may mamamatay sa patalim sa iyong sambahayan."'
Sinabi ni David kay Natan, "Tunay akong nagkasala sa Panginoon."
Sumagot si Natan, "Kung gayo'y pinatatawad ka na niya at hindi ka mamamatay."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 31, 1-2. 5. 7. 11
Mapalad ang tao na pinatawad na
yaong kasalanan,
at nalimot na rin ang kanyang
nagawang mga pagsalansang;
mapalad ang taong sa harap ng Poon ay
di naparatangan
dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi
nanlinlang.
Tugon: D'yos kop ako'y patawarin sa aking pagkasuwail.
Ako ay lumapit sa iyong harapan at
sala'y inamin,
ang aking ginawang mga pagsalansang
di ko inilihim;
pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa
iyo'y idaing,
at aking natamo ang iyong patawad sa
sala kong angkin.
Tugon: D'yos kop ako'y patawarin sa aking pagkasuwail.
Kublihan ko'y ikaw, ikaw ang sasagip
kung nababagabag,
aking aawitin ang pagkakalinga at 'yong
pagliligtas.
Tugon: D'yos kop ako'y patawarin sa aking pagkasuwail.
Lahat ng matuwid at tapat sa Poon,
magalak na lubos,
dahil sa natamo nilang kabutihang
kaloob ng Diyos;
sumigaw sa galak ang lahat ng taong sa
kanya'y sumunod!
Tugon: D'yos kop ako'y patawarin sa aking pagkasuwail.
Galacia 2, 16. 19-21
Hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia
Mga kapatid:
Alam naming ang tao'y pinawawalang-sala dahil sa pananalig kay Hesukristo at hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan. Nanalig din kami kay Kristo Hesus upang pawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. Sapagkat ang tao'y di mapawawalang-sala sa pamamagitan ng pagtalima sa Kautusan. Ako'y namatay na sa Kautusan s— sa pamamagitan na rin ng Kautusan upang mabuhay para sa Diyos. Namatay na akong kasama ni Kristo sa krus. At kung ako ma'y buhay hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nasa daigdig, namumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at nag-alay ng kanyang buhay para sa akin. Hindi mapawawalang-kabuluhan ang kaloob ko Kung ang tao'y pinawawalangng Diyos.
pamamagitan ng Kautusan, walang sala sa kabuluhan ang pagkamatay ni Kristo!
Ang Salita ng Diyos.
1 Juan 4, 10b
Aleluya! Aleluya!
Inibig tayo ng Ama,
isinugo ang Anak n'ya
bilang panubos sa sala.
Aleluya! Aleluya!
Lucas 7, 36-8, 3
Ang malaking pagmamahal niya ay nagpapatunay na pinatawad na ang marami niyang kasalanan.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, inanyayahan si Hesus ng isa sa mga Pariseo upang makasalo niya. Pumaroon siya sa bahay nito at dumulog sa hapag. Sa bayan namang yaon ay may isang babae na kilalang makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo kaya't nagdala siya ng pabangong nasa sisidlang alabastro. At lumapit siya sa likuran ni Hesus, sa gawing paanan. Siya'y nanangis at nabasa ng kanyang luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinagkan, at pinahiran ng pabango. Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Hesus, nasabi nito sa sarili, "Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kanya —isang makasalanan!" Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Hesus, "Simon, may sasabihin ako sa iyo." Sumagot siya, "Ano po iyon, Guro?" Sinabi ni 'Hesus, "May dalawang taong nanghiram sa isang nagpapautang; -ang isa'y limandaang denaryo at ang isa nama'y limampu. Nang hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sino sa kanila ang lalong nagmamahal sa nagpautang?" Sumagot si Simon, "Sa palagay ko po'y ang pinatawad ng malaking halaga." "Tama ang sagot mo," ang tugon ni Hesus. Nilingon niya ang babae, at sinabi kay Simon, "Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ng kanyang buhok. Hindi mo ako hinagkan, ngunit siya, mula nang pumasok ay hindi tumitigil ng paghalik sa aking mga paa. Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo, subalit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. Kaya't sinasabi ko sa iyo, ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawad na ang marami niyang kasalanan; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti lang ang pagmamahal na ipinamamalas." Saka sinabi sa babae, "Ipinatawad na ang iyong mga kasalanan." At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, "Sino ba itong pati pagpapatawad ng kasalanan ay pinangangahasan!" Ngunit sinabi ni Hesus sa babae, "Iniligtas ka ng iyong pananalig; yumaon ka na't ipanatag mo ang iyong kalooban."
Hindi nalaunan, nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon. Nangangaral siya at nagtuturo ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa, at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinatawag na Magdalena, mula sa kanya'y pitong demonyo ang pinalayas; si Juan ang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; si Susana at marami pang iba. Ang ari-arian nila ang itinustos nila sa pangangailangan ni Hesus at ng kanyang mga alagad.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.