Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-8 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON B
Oseas 2, 161). 17b. 21-22
Magiging asawa kita magpakailanman.
pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas
Ito ang sinasabi ng Panginoon:
'IDadalhin ko siya sa ilang, kakausapin
nang buong giliw. At tutugon naman siya,
tulad noong panahon ng kanyang
kabataan, nang siya'y kunin ko sa lupain
ng Egipto.
"Ikaw ay magiging aking asawa
magpakailanman, Israel;
mabubuklod tayo sa katuwiran at
katarungan,
sa matibay na pagmamahalan, at sa
kaawaan.
Ikaw ay magiging tapat kong asawa
at makikilala mo ako, ang
Panginoon."
Ang Salita ng Diyos.
salmo 102, 1-2. 34. 8 at 10. 12-13
Panginoo'y papurihan, purihin mo,
kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo
sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay
papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang
kabutihan.
Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob.
Ang lahat kong kasalana'y siya ang
nagpapatawad,
at anumang aking sakit, ginagamot
niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay
inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't
habag.
Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob.
Kay ganda ng kalooban, mahabagin
itong Diyos,
kung magalit ay banayad, kung umibig
nama'y lubos.
Kung siya ay magparusa, di katumbas
ng pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang
kasalanan.
Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob.
Ang silangan at kanluran kung gaano
ang distansya
gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang
nagkasala.
Kung paano nahahabag ang ama sa
anak niya
gayun siya nahahabag sa may takot sa
kanya.
Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob.
2 Corinto 3, lb-6
Kayo ang sulat ni Kristo na ipinadala sa pamamagitan namin.
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, kami ba ay tulad ng iba na kailangan pang may rekomendasyon para sa inyo o mula sa inyo? Kayo na rin ang aming rekomendasyon, nakatitik sa aming puso upang makilala at mabasa ng lahat. Kayo ang maliwanag na sulat ni Kristo, ang sulat na ipinadala sa pamamagitan namin. Ito'y nasusulat, hindi ng tinta kundi ng Espiritu ng Diyos na buhay, at hindi sa mga tapyas na bato kundi sa puso ng tao. Nasasabi namin ang gayun dahil sa aming pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming sapat na kakayahang gawin ito; ang Diyos ang nagkaloob nito sa amin. Niloob niyang kami'y maging lingkod ng bagong tipan, tipang hindi nababatay sa Kautusang natititik kundi sa Espiritu. Sapagkat ang dulot ng titik ay kamatayan, ngunit ang Espiritu'y nagbibigay-buhay.
Ang Salita ng Diyos.
Santiago 1, 18
Aleluya! Aleluya!
Magulang nati'y D'yos Ama,
anak ng salita niya,
tayong mga aning una.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 2, 18-22
Kasama nila ang lalaking ikinasal.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga Pariseo. May lumapit kay Hesus at nagtanong, "Bakit po nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga alagad ng mga Pariseo, ngunit ang mga alagad ninyo'y hindi?" Sumagot si Hesus, "Makapag-aayuno ba ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama nila ang lalaking ikinasal? Hindi! Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang Sila mag-aayuno.
"Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa lumang kasuotan; pag urong ng bagong kayo, mababatak ang luma at lalong lalaki ang punit. Wala rin namang nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, sapagkat papuputukin ng alak ang balat. Kapwa masasayang ang alak at ang sisidlan. Bagong alak, bagong sisidlang•
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.