Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-6 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON B
Levitico 13, 1-2. 44-46
Ang may ketong ay mamamahay na mag-isa Sa labas ng kampamento.
Pagbasa mula sa aklat ng Levitico
Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, "Kung ang balat ninuman ay magbago ng kulay, mamaga o kaya'y magkaroon ng singaw na parang ketong, dadalhin siya kay Aaron o sa mga anak niyang saserdote. Ituturing siyang marumi at di ito dapat kaligtaang ipahayag ng saserdote.
"Ang may ketong ay dapat magsuot ng sirang damit, hindi magsusuklay, tatakpan ang kanyang nguso at laging sisigaw ng, 'Marumi! Marumi!' Hanggang may sugat, siya'y ituturing na marumi at sa labas ng kampamento mamamahay na mag-isa."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 31, 1-2. 5. 11
Mapalad ang tao na pinatawad na
yaong kasalanan,
at nalimot na rin ang kanyang
nagawang mga pagsalansang;
mapalad ang taong sa harap ng Poon ay
di naparatangan
dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi
nanlinlang.
Tugon: Sa 'yong tulong at pagtubos ako'y binigyan mong lugod.
Ako ay lutnapit sa iyong harapan at
sala'y inamin,
ang aking ginawang mga pagsalansang di
ko inilihinv
pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa
iyo'y idaing,
at aking natamo ang iyong patawad sa
sala kong angkin.
Tugon: Sa 'yong tulong at pagtubos ako'y binigyan mong lugod.
Lahat ng matuwid at tapat sa Poon,
magalak na lubos,
dahil sa natamo nilang kabutihang
kaloob ng Diyos;
sumigaw sa galak ang lahat ng taong sa
kanya'y sumunod!
Tugon: Sa 'yong tulong at pagtubos ako'y binigyan mong lugod.
1 Corinto 10, 31 -
Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo.
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid:
Kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman — ng mga Judio, ng mga Griego, o mga kaanib sa simbahan ng Diyos. Ang sinisikap ko nama'y mabigyang-kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa ko; hindi ko hinahanap ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng marami, upang maligtas Sila.
Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo.
Ang Salita ng Diyos.
Lucas 7, 16
Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng D'yos sa bayan n'ya.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 'l, 40-45
Nawala ang ketong at gumaling ang tao.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa: "Kung ibig po ninyo'y mapagagaling ninyo ako." Nahabag si Hesus at hinipo siya, sabay ang wika, "Ibig ko. Gumaling ka!" Noon di'y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: "Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na." Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Hesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba't ibang dako.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.