Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
PAGKAHARI NG PANGINOONG HESUKRISTO SA SANLIBUTAN - TAON B
Daniel 7, 13-14
Ang pamamahala niya ay hindi matatapos.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel
Samantalang ako'y namamahinga sa gabi, patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian. Siya ay paglilingkuran g lahat ng tao, bansa at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos at hindi babawiin, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 92, lab. 1k-2. 5
Panginoo'y naghahari, na ang suot sa
katawan
ay damit na maharlika at batbat ng
kalakasan.
Tugon: Panginoo'y naghari na! Ang damit n'ya'y maharlika.
Ang sandigan ng daigdig, matatag ang
pinatungan
kahit ano ang gawin pa'y hindi ito
magagalaw.
Ang trono mo ay matatag simula pa
noong una.
Bago pa ang ano pa man, likas ika'y
naroon na.
Tugon: Panginoo'y naghari na! Ang damit n'ya'y maharlika.
Walang hanggan, Panginoon, ang lahat
ng tuntunin mo,
sadyang banal at matatag ang
sambahang iyong templo.
Tugon: Panginoo'y naghari na! Ang damit n'ya'y maharlika.
Pahayag 1, 5-8
Ang Hari ng mga hari ay siyang gumawa sa atin upang maging liping maharlika at maglingkod sa Diyos bilang mga saserdote.
Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag
Sumainyo ang pagpapala at kapayapaan mula kay Hesukristo, ang tapat na saksi, ang unang nabuhay sa mga patay, at Hari ng mga hari sa lupa.
Iniibig niya tayo, at sa kanyang pagkamatay ay pinalaya niya tayo mula sa ating mga kasalanan. Ginawa niya tayong isang liping maharlika upang maglingkod sa Diyos at kanyang Ama bilang mga saserdote. Kay Hesukristo ang kapurihan at kapangyarihan magpakailanman! Amen. Pakatandaan ninyo, darating siyang nasa mga alapaap, makikita ng lahat, pati ng umulos sa kanyang tagiliran; dahil sa kanya, iiyak ang lahat ng lipi sa lupa. Magkakagayon nga. Amen.
"Ako ang Alpha at ang Omega," wika ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating.
Ang Salita ng Diyos.
Marcos 11, 9. 10
Aleluya! Aleluya!
Pagpalain dumarating
sa ngalan ng Poon natin,
paghahari'y kanyang angkin.
Aleluya! Aleluya!
Juan 18, 33b-37
Kayo na ang nagsasabing ako'y hari.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, itinanong ni Pilato kay Hesus, "Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?' Sumagot si Hesus, "Iyan ba'y galing sa inyong sariling isipan, o may nagsabi sa inyo?" "Ako ba ly Judio?" tanong ni Pilato. "Ang mga kababayan mo at ang mga punong saserdote ang nagdala sa iyo rito. Ano ba ang ginawa mo?" Sumagot si Hesus, "Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian!" "Kung gayon, İsa kang hari?" sabi ni Pilato. Sumagot si Hesus, "Kayo na ang nagsasabing ako'y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.