Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-30 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON B
Jeremias 31, 7-9
Titipunin ko ang mga bulag at mga pilay
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias
Ito ang sinasabi ng Panginoon:
"Umawit kayo sa kagalakan alang-
alang kay Jacob,
ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang
bansa;
magpuri kayo at inyong ipahayag na
iniligtas ng Panginoon ang
kanyang bayan, ang mga nalabi sa
Israel.
Narito, sila'y ibabalik ko mula sa
hilaga;
titipunin ko Sila mula sa mga sulok ng
sanlibutan,
kasama ang mga bulag at mga pilay,
ang mga inang may pasusuhin,
pati yaong malapit nang manganak;
sila'y talagang napakarami!
Uuwi silang nag-iiyakan habang daan,
nananalangin samantalang
inaakay ko.
Dadalhin ko Sila sa mga bukal ng
tubig, pararaanin sa maayos na
landas upang hindi Sila madapa.
Pagkat ang Israel ay para kong anak, at
si Efraim ang aking panganay."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6
Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion
ay ibalik,
ang nangyaring kasaysaya'y parang
isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang
nagsiawit.
Tugon: Gawa ng D'yos ay dakila kaya tayo'y natutuwa.
Ang sabi ng mga bansang nagmamasid
sa paligid,
"Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila,
anong rikit!"
Dakila ngang masasabi, pambihira ang
ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalaka'y di
kawasa!
Tugon: Gawa ng D'yos ay dakila kaya tayo'y natutuwa.
Kung paanong inuulan yaong mga
tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, Poon, ay
ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na
may luha,
bayaan mo na mag-aning masasaya't
natutuwa.
Tugon: Gawa ng D'yos ay dakila kaya tayo'y natutuwa.
Yaong mga nagsihayong dala'y binhi't
nananangis,
ay aawit na may galak, dala'y ani
pagbalik!
Tugon: Gawa ng D'yos ay dakila kaya tayo'y natutuwa.
Hebreo 5, 1-6
Ikaw ay saserdote magpakailanman, ayon sa pagkasaserdote ni Melkisedec.
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo
Ang bawat dakilang saserdote'y pinili sa mga tao at itinalaga ng maglingkod sa Diyos para sa kanila upang maghandog ng mga kaloob at mga hain dahil sa mga kasalanan. Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng landas, sapagkat siya'y mahina rin. At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya'y maghandog ng hain, hindi lamang para sa kasalanan ng mga tao kundi para sa kasalanan din niya. Ang karangalan ng pagiging dakilang saserdote ay hindi maaaring kamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang humihirang sa kanya, tulad ng pagkahirang kay Aaron.
Gayun din naman, hindi si Kristo ang nagtaas ng kanyang sarili sa pagiging dakilang saserdote. Siya'y hinirang ng Diyos na nagsabi sa kanya,
Ikaw ang aking Anak,
Ako ang iyong Ama."
Sinasabi rin niya sa ibang bahagi ng Kasulatan,
"Ikaw ay saserdote magpakailanman Ayon sa pagkasaserdote ni Melkisedec."
Ang Salita ng Diyos.
2 Timoteo 1, 10
Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 10, 46-52
Guro, ibig ko sanang makakita.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa Jerico, kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba. Nang umaalis na sila roon, may naraanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya'y si Bartimeo, anak ni Timeo. Nang marinig niyang naroon si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya ng ganito: "Hesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!" Pinagsabihan siya ng mga tao at pinatatahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, "Anak ni-David, mahabag po kayo sa akin!" Tumigil si Hesus at kanyang sinabi, "Tawagin ninyo siya." At tinawag nga nila ang bulag. "Lakasan mo ang iyong loob," sabi nila. "Tumindig ka. Ipinatatawag ka niya." Iniwaksi niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Hesus. "Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?" tanong sa kanya ni Hesus. Sumagot ang bulag, "Guro, ibig ko po sanang makakita." Sinabi ni Hesus, "Humayo ka; magaling ka na dahil sa iyong pananalig." Noon di'y nakakita siya, at sumunod kay Hesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.