Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-29 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON B
Isaias 53, 10-11
Inihandog niya ang sarili kaya 't kanyang makikita ang Iahing susunod sa kanya.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Sinabi ng Panginoon, "Ang kanyang
paghihirap ay kalooban ko:
Inihandog niya ang sarili
upang sa pamamagitan noon ay
magkaroon ng kapatawaran.
Dahil dito'y mabubuhay siya nang
matagal,
makikita ang Iahing susunod sa
kanya.
At sa pamamagitan niya'y
maisasagawa ang aking panukala.
Pagkatapos ng pagdurusa,
lalasap siya ng ligaya,
malalaman niyang hindi nawalan
ng kabuluhan ang kanyang
pagtitiis.
Ang aking tapat na lingkod at lubos
kong kinalulugdan
ang siyang tatanggap sa parusa ng
marami
At alang-alang sa kanya sila'y aking
patatawarin.'d
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22
Panginoo'y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.
Tugon: Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo'y aming hiling.
Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
Sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi babayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila'y binubuhay.
Tugon: Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo'y aming hiling.
Ang ating pag-asa'y nasa Panginoon;
Siya ang sanggalang natin at katulong.
Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,
Yamang ang pag-asa'y sa 'yo nasasalig!
Tugon: Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo'y aming hiling.
Hebreo 4, 14-16
Huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos.
Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo
Mga kapatid:
Magpakatatag tayo sa ating pananampalatara, yamang mayroon tayong dakilang saserdote na pumasok sa kalangitan sa harapan ng Diyos, walang iba kundi si Hesus na Anak ng Diyos. Ang dakilang saserdote nating ito ay nakauunawa sa ating mga kahinaan sapagkat sa lahat ng paraa'y tinukso siyang tulad natin, ngunit hindi nagkasala. Kaya't huwag na tayong mag - atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos, at doo'y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito.
Ang Salita ng Diyos.
Marcos 10, 45
Aleluya! Aleulya!
Anak ng Tao'y dumating
upang sarili'y ihain;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 10, 35-45
Ang Anak ng Tao ay naparito upang ibigay ang kanyang sarili sa ikatutubos ng lahat.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, at ang sabi, "Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo." "Ano iyon?" tanong ni Hesus. Sumagot Sila, "Sana'y makaupo kami ka tabi ninyo sa inyong kaharian - isa sa kanan at isa sa kaliwa." "Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi," sabi ni Hesus sa kanila. "Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko? Pabibinyag ba kayo sa binyag na daranasin ko?" "Opo," tugon nila. Sinabi ni Hesus, "Ang hirap na babatahin ko'y babatahin nga ninyo, at kayo'y bibinyagan sa binyag na daranasin ko. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa mga pinaghandaan."
Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit Sila sa magkapatid. Kaya't pinalapit Sila ni Hesus o at sinabi, "Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ay siyang pinapanginoon, at ang mga dinadakila ay siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng lahat."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.