Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-28 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON B
Karunungan 7, 7-11
Karununga'y higit na matimbang kaysa kayamanan.
Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan
Sapagkat napag-unawa kong ako'y tao
lamang, ako'y nanalangin at binigyan
naman ako ng kaalaman.
Tumawag ako sa Diyos at binigyan ako
ng Karunungan.
Higit na mahalaga sa akin ang Karunu-
ngan kaysa trono atsetro,
at mas matimbang kaysa alinmang
kayamanan.
Hindi ko maipagpapalit maging sa
pinakamahal na alahas.
Ang ginto ay tulad lamang sa
buhangin kung ihahambing sa
Karunungan.
Ang pilak nama'y nagmimistulang
putik kapag inihambing• sa
kanya.
Para sa akin, siya'y higit pa sa
kalusugan o kagandahan.
Mas gusto ko siya kaysa alinmang ilaw
sapagkat ang luningning niya'y
walang pagkupas.
Nang kamtan ko ang Karunungan,
dumating sa akin ang lahat ng
pagpapala;
Siya ang nagkaloob sa akin ng
kayamanang walang kapantay.
Ang Salita ng Diyos.
salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17
Yamang itong buhay nami'y maikli lang
na panahon,
itanim sa isip namin upang kami ay
dumunong.
Hanggang kailan pa ba, Poon, titiisin
yaring lagay
nitong iyong mga lingkod, sa gitna ng
kahirapan?
Tugon: Pag-ibig mo'y ipadama; aawit kaming masaya.
Kung umaga'y ipadama yaong wagas
mong pag-ibig,
at sa buong buhay nami'y may galak
ang aming awit.
Yaong naging hirap nami'y tumbasan
mo ng ginhawa,
singhaba rin ng panahon ang ipalit na
ligaya.
Tugon: Pag-ibig mo'y ipadama; aawit kaming masaya.
Ipakita sa lingkod mo ang dakila mong
gawain,
sa kasunod naming lahi ay gayon mo rin
ituring.
Panginoon naming Diyos, kami sana'y
pagpalain,
magtagumpay sana kami sa anumang
aming gawin.
Tugon: Pag-ibig mo'y ipadama; aawit kaming masaya.
Hebreo 4, 12-13
Ang salita ng Diyos ay nakatataho ng mga iniisip at binabalak ng tao.
Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo
Ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, higit na matalas kaysa alinmang tabak na magkabila'y talim. Ito'y tumatagos maging sa pinaghihiwalayan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasu-kasuan at ng utak sa buto, at nakatataho ng mga iniisip at binabalak ng tao. Walang makapagtatago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit.
Ang Salita ng Diyos.
Mateo 5, 3
Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D'yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 10, 17-30
Ipagbili mo ang iyong ari-arian at sumunod ka sa akin.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, habang paalis na si Hesus ay may isang lalaking patakbong lumapit, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, "Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?" Sumagot si Hesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos. Alam mo ang mga utos: 'Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; kang huwag magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; huwag kang magdadaya; igalang mo ang iyong ama't ina."' "Guro," sabi ng lalaki, "ang lahat po ng iya'y tinutupad ko na mula pa sa aking pagkabata." Magiliw siyang tiningnan ni Hesus, at sinabi sa kanya, "Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamigay sa mga dukha ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin." Namanglaw ang lalaki nang marinig ito, at malungkot na umalis, sapagkat siya'y napakayaman.
Tiningnan ni Hesus ang mga nasa paligid niya at sinabi sa kanyang mga alagad, "Napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos." Nagtaka ang mga alagad sa pananalitang ito. Muling sinabi ni Hesus, "Mga anak, talagang napakahirap mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos! Madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman." Lalong nagtaka ang mga alagad, kaya't sila'y nagtanungan, "Kung gayo'y sino ang maliligtas?" Tinitigan sila ni Hesus at sinabi sa kanila, "Hindi ito magagawa ng tao, ngunit hindi ito mahirap sa Diyos. Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay."
At nagsalita si Pedro, "Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo." Sinabi ni Hesus, "Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga, anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito - mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa - ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.