Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-27 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON B
Genesis 2, 18-24
Sila'y nagiging iisa.
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis
Sinabi ng Panginoong Diyos: " Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong." Kaya, lumikha siya ng hayop sa mga parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala İsa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.
Kaya't pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki,
"Sa wakas, narito ang isang tulad 140, laman ng aking laman, buto ng aking buto;
babae ang siyang itatawag sa kanya
sapagkat sa lalaki nagmula siya."
Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila'y nagiging iisa.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 127, 1-2. 3.4-5. 6
Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay
may takot,
ang maalab na adhika'y sumunod sa
kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang
kailangan,
ang buhay ay maligaya't uunlad ang
kanyang buhay.
Tugon: Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman.
Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na
mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang
ang anak n'ya.
Tugon: Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman.
Ang sinuman kung ang Diyos buong
pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging
pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos
ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng
Jerusalem.
Tugon: Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman.
Ang magiging iyong apo, nawa ikaw ay
abutin,
nawa'y maging mapayapa itong bayan
ng Israel!
Tugon: Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman.
Hebreo 2, 9-11
Iisa ang pinagmumulan ng nagpapabanal at ng pinapaging-banal.
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo
Mga kapatid, alam nating si Hesus, bagamat sandaling panahong pinababa kaysa mga anghel, ay binigyan ng karangalan at kadakilaan dahil sa kanyang pagkamatay. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, niloob niya na si Hesus ay mamatay para sa ating lahat. Sa pamamagitan ng mga pagtitiis, siya'y pinapaging-ganap ng Diyos na lumikha at nangangalaga sa lahat ng bagay, upang makapagdala ng marami sa kaluwalhatian. Marapat lamang na gawin niya iyon sapagkat si Hesus ang pinagmumulan ng kanilang kaligtasan.
Si Hesus ang nagpapabanal sa kanila, at iisa ang Ama ng nagpapabanal at ng pinapaging-banal. Kaya't hindi niya ikinahiyang tawagin silang mga kapatid.
Ang Salita ng Diyos.
1 Juan 4, 12
Aleluya! Aleluya!
Sa pagmamahalan natin
ang D'yos ay ating kapiling,
pag-ibig n'ya'y lulubusin.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 10, 2-16
Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahongüyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus. İbig nilang masilo siya kaya't kanilang tinanong, "Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?" Tugon niya, "Ano ang utos sa inyo ni Moises?" Sumagot naman sila, "ipinahintulot ang ni Moises na hiwalayan ng lalaki kanyang asawa matapos Ngunit bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay." ng inyong sinabi ni Hesus, "Dahil sa katigasan ulo kaya niya inilagda ang utos na ito. Subalit sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: 'Nilalang niya silang lalaki at babae. Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at inat at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y magiging İsa.' Kaya't hindi na sila dalawa huwag paghiwalayin ng tao." kundi İsa. Ang pinagsama ng Diyos ay
Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Hesus tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa kanila, "Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag - asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa-siya'y nangangalunya. At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin."
May nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay; ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Hesus nang makita ito, at sinabi sa kanila, "Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya." At kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.