Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-24 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON B
Isaias 50, 5-9a
Hindi ako tumutol noong bugbugin ako.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Binigyan ako ng pang-unawa ng
Panginoon,
hindi ako naghimagsik ni tumalikod
sa kaniya.
Hindi ako tumutol
nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo
nang ako'y kanilang insultuhin.
Pinabayaan ko silang bunutin
ang buhok ko't balbas,
gayon din nang lurhan nila ako sa
mukha.
Ang mga pagdustang ginawa nila'y
di ko pinapansin,
pagkat ang Makapangyarihang
Panginoon
ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis
pagkat aking batid
na ang sarili ko'y di mapapahiya.
Ang Diyos ay malapit
at siya ang magpapatunay na wala
akong sala.
May mangangahas bang maghabla sa
akin?
Magharap kami sa hukuman,
at ilahad ang kanyang bintang.
Ang Poon mismo ang magtatanggol sa
akin. Sino ang makapagpapatunay na ako
ay may sala?
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 114, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9
Ang bayang Israel sa bansang Egipto'y
doon inilabas,
nang ang Iahing ito sa bansang dayuhan
ay pawang lumikas;
magmula noon ang lupaing Juda'y
naging dakong banal,
at yaong Israel ginawa ng Diyos na
sariling bayan.
Tugon: Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal.
Ang Dagat ng Tambo, nang ito'y Makita
ay tumakas na rin,
magkabilang panig ng Ilog ng Jordan,
noon ay humimpil.
Maging mga bundok, katulad ng tupa, ay
pawang nanginig,
pati mga burol, nanginig na parang
tupang maliliit.
Tugon: Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal.
Ano ang nangyari, at ikaw, O dagat
wala nang daluyan?
Ikaw naman Jordan, bakit ang tubig
mo'y hindi na dumaloy?
Kayong mga bundok, nanginginig
kayong tupa ang ka para,
at ang mga burol, natakot na parang
maliit na tupa?
Tugon: Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal.
Ikaw, O daigdig, ngayon ay manginig sa
harap ng Diyos,
dapat kang matakot sapagkat darating
ang Diyos ni Jacob.
Siyang sa dalisdis ay nagpapabukal ng
saganang tubig,
at magmula roon, ang tubig na ito ay
nagiging batis.
Tugon: Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal.
Santiago 2, 14-18
Patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago
Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya? Halimbawa: ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain. Kung sabihin ng isa sa inyo, "Patnubayan ka nawa ng Diyos. Magbihis ka't magpakabusog," ngunit hindi naman siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang maidudulot sa kanya iyon? Gayun din naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.
Ngunit may nagsabi, "May pananampalataya at ka may gawa ako." Sagot ko naman, "Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kalakip na gawa, at ipakikita ko naman sa iyo sa pamamagitan ng aking mga gawa ang aking pananampalataya."
Ang Salita ng Diyos.
Galacia 6, 14
Aleluya! Aleluya!
Sa krus ni Kristo
dinangal itong ating pamumuhay
na para sa kanya lamang.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 8, 27-35
Kayo ang Kristo. ang Anak ng Tao 'y dapat magbata ng maraming hirap.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, si Hesus, kasama ang kanyang mga alagad, ay nagtungo sa mga nayon ng Cesarea, sakop ni Filipo. Samantalang sila'y naglalakbay, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Sino raw ako ayon sa mga tao?" Sumagot sila, "Ang sabi ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo; at may nagsasabi pang isa kayo sa mga propeta." "Kayo naman - ano ang sabi ninyo? Sino ako?" tanong niya. u Kayo ang Kristo," tugon ni Pedro. "Huwag ninyong sasabihin kaninuman kung sino ako," mahigpit na utos niya sa kanila.
Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na ang Anak ng Tao'y dapat magbata ng maraming hirap. Siya'y itatakwil ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba at ipapapatay. Ngunit sa ikatlong araw, muli siyang mabubuhay. Maliwanag na sinabi niya ito sa kanila. Kaya't niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan. Ngunit humarap si Hesus sa kanyang mga alagad at pinagwikaan si Pedro: Lumayo U ka, Satanas! Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao."
Pinalapit ni Hesus ang mga tao, pati ang kanyang mga alagad, at sinabi, "Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.