Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-22 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON B
Deuteronomio 4, 1-2. 6-8
Huwag ninyong daragdagan ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. Sundin ninyo ang mga utos ng Panginoon.
Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio
Sinabi ni Moises sa mga tao: "Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo nang matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. Huwag ninyo itong daragdagan ni babawasan. Sundin ninyo ito nang walang labis at walang kulang. Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayon, makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at lawak ng pang-unawa. Sa gayon, hindi nila mapipigilang sabihin ang ganito: 'Ang bansang ito'y matalino at may malawak na pagkaunawa.'
U Sinong diyos ng ibang bansa ang handang tumulong anumang oras liban sa Panginoon? Aling bansa ang may tuntuning kasing inam ng mga tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon?"
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5
Yaong mga masunurin na sa iyo'y
nakikinig,
at ang laging ginagawa'y naaayon sa
matuwid,
kung mangusap ay totoo, sa lahat at
bawat saglit,
yaong gawang paninira'y hindi niya
naiisip.
Tugon: Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin?
Kailanman, siya'y tapat makisama
sa kapwa,
sa kanyang kaibiga'y wala siyang
maling gawa;
hindi siya nagkakalat ng di tunay
na balita.
At itinatampok niya ang matapat
sa lumikha.
Tugon: Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin?
Hindi siya humihingi ng patubo sa
pautang,
at kahit na anong gawi'y hindi
siya masuhulan,
upang yaong walang sala'y
patawan ng kasalanan.
Ang ganitong mga tao'y mag-aani
ng tagumpay.
Tugon: Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin?
Santiago 1, 17-18. 21 b-22. 27
Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago
Mga kapatid, bawat kaloob na mabuti at ganap ay buhat sa langit, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa langit. Hindi siya nagbabago. Hindi niya tayo iniiwan o binabayaan man sa dilim. Niloob niyang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang matangi tayo at maging higit sa lahat ng kanyang mga nilalang.
Buong pagpapakumbabang tanggapin ang salita ng Diyos na natanim sa inyong puso. Ito ang makapagliligtas sa inyo.
Mamuhay kayo ayon sa saitta ng Diyos. Kung ito'y pinakikinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.
Ganito ang pagkarelihiyoso na minamarapat at kinalulugdan ng ating Diyos at Ama: tulungan ang mga ulila at mga babaing balo sa kanilang kahirapan, at ingatan ang sarili na huwag mahawa sa kasamaan ng sanlibutang ito.
Ang Salita ng Diyos.
Santiago i, 18
Aleluya! Aleluya!
Magulang nati'y D'yos Ama,
anak ng salita niya
tayong mga aning una.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 7, 1-8. 14-15. Q1-23
Niwawalang-kabuluhan ninyo ang utos ng Diyos, at ang sinusunodminyo'y ang turo ng tao.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, may mga Pariseo at ilang eskribang galing sa Jerusalem, na lumapit kay Hesus. Nakita nila na ang ilan sa mga alagad ni Hesus ay kumain nang hindi muna naghugas ng kamay sa paraang naaayon sa turong minana nila.
Ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga't hindi nakapaghuhugas ng kamay ayon sa mga turong minana nila sa kanilang mga ninuno. Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi hinuhugasan. At marami pang muna ito turo ang kanilang ibang minanang ng tanging paraan ng sinusunod, tulad paghuhugas ng mga inuman, ng mga saro, ng mga sisidlang tanso, at mga higaan.
Kaya't tinanong si Hesus ng mga Pariseo at mga eskriba, "Bakit hindi sumusunod ang mga alagad mo sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumain sila nang hindi man lamang naghugas ng kamay ayon sa paraang iniutos! " Sinagot sila ni Hesus, "Tama ang hula ni Isaias tungkol sa inyo. Mapagpaimbabaw nga kayo, gaya ng kanyang isinulat:
'Paggalang na handog sa 'kin ng bayan ko'y paimbabaw lamang,
sapagkat sa bibig at hindi sa puso
ito bumubukal.
Pagpuri't pagsambang ginagawa nila'y walang kabuluhan,
ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.'
Niwawalang-kabuluhan nga ninyo ang utos ng Diyos, at ang sinusunod ninyo'y ang turo ng tao.
Muling pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, "Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin! Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang mga nagmumula sa kanya.
"Sapagkat sa loob - sa puso ng tao - nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya na makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, at gumawa ng lahat ng kabuktutan, tulad ng pagdaraya, kahalayan pagkainggit, paninirang-puri, kapalaluan, at kahangalan. Ang lahat ng ito'y nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.