Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-16 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON B
Jeremias 23, 1-6
Ako na ang magtitipon sa nalabi sa aking mga tupa at hihirang ako ng pasto! na magmamalasakit.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias
Parurusahan ng Panginoon ang mga namumunong walang malasakit sa kanilang mga nasasakupan at pinababayaang ang mga ito'y mangalat at mamatay. Ito ang sabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, tungkol sa mga tagapanguna ng kanyang bayan: "Pinapangalat ninyo at pinabayaan ang aking kawan. Hindi ninyo sila binantayan kaya't kayo'y parurusahan ko dahil sa inyong ginawang ito. Ako na ang magtitipon sa nalabi sa aking mga tupa mula sa {ahat ng lupaing pinagtapunan ko sa kanila. Ibabalik ko sila sa kanilang tinubuang lupa, at sila'y muling darami. Hihirang ako ng mga pastol na magmamalasakit at mangangalaga sa kanila. Hindi na sila muli pang daranas ng takot at agam-agam, at wala nang maliligaw kahit isa. Akong Panginoon ang may sabi nito."
"Nalalapit na ang araw," sabi ng Panginoon, Ona pasisibulin ko mula sa lahi ni David ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari. Paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan. Magiging matiwasay ang Juda sa panahon ng kanyang pamamahala, at ang Israel ay mapayapang mamumuhay. Ito ang pangalang itatawag sa kaniya: JAng Panginoon ay Matuwid."'
Ang Salita ng Diyos.
salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6
Panginoo'y aking Pastol, hindi ako
magkukulang.
Ako'y pinahihimlay sa mainam na
pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na
batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong
kalakasan.
Tugon: Pastol ko'y Panginoong D'yos, hindi ako magdarahop.
At sang-ayon sa pangako na kaniyang
binitiwan
sa matuwid na landasi'y doon ako
inaakay.
Kahit na ang daang iyo'y tumatahak sa
karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika'y
kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay
ko at sanggalang.
Tugon: Pastol ko'y Panginoong D'yos, hindi ako magdarahop.
Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may
handang dulang,
ito'y iyong ginagawang nakikita ng
kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay
langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong
pinaaapaw.
Tugon: Pastol ko'y Panginoong D'yos, hindi ako magdarahop.
Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong
kabutihan,
sasaaki't tataglayin habang ako'y
nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at
mananahan.
Tugon: Pastol ko'y Panginoong D'yos, hindi ako magdarahop.
Efeso 2,13-18
Pinagkasundo tayo ni Kristo at pinag-isà.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso
Mga kapatid, ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus, kayong dating nasa malayo ay nailapit sa pamamagitan ng kanyang kamatayan. Pinagkasundo niya tayo. Kaming mga Judio at kayong mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin. Pinawalang bisa niya ang Kautusang pawang mga utos at tuntunin upang pag-isahin sa kanya ang dalawang bayan at maghari ang kapayapaan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang alitan ng dalawang bayan, kapwa pinapanumbalik sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan. Naparito si Kristo at ipinangaral sa lahat ang Mabuting Balita ng kapayapaan — sa inyong mga Hentil na malayo sa Diyos, at sa mga Judio na malapit sa kanya. Dahil kay Kristo, tayo'y kapwa makalalapit sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu.
Ang Salita ng Diyos.
Juan 10, 27
Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko'y pakikinggan
ng kabilang sa 'king kawan,
ako'y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 6, 30-34
Para silang mga tupang walang pastol.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, bumalik kay Hesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro. Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat hindi na makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Kaya't sinabi niya sa mga ito, "Magtungo kayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti." Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta nga sa isang ilang na dako.
Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya't mula sa lahat ng bayan, ang mga tao'y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nina Hesus at nauna pang dumating doon kaysa kanila. Paglunsad ni Hesus, nakita niya ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.