Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKAAPAT LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY - TAON B
Mga Gawa 4, 8-12
Ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Noong mga araw na iyon: Nagsalita si Pedro, na puspos ng Espiritu Santo: "Mga pinuno, at matatanda ng bayan, kung sinisiyasat ninyo kami ngayon tungkol sa kabutihang ginawa namin sa lumpong ito at kung paano siya gumaling, talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito'y nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Hesukristong taga-Nazaret. Siya'y inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos. Ang Hesus na ito
'Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay
ang siyang naging batong panulukan.' Kay Hesukristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 117, 1 at 8-9. 21-23. 26 at28kd at 29
O pasalamatan
ang Diyos na Panginoon, pagkat siya'y
mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Mabuting di hamak
na doon sa Poon magtiwala ako,
kaysa panaligan yaong mga tao.
Higit ngang mabuting
ang pagtitiwala sa Poo'y ibigay,
kaysa pamunuan ang ating asahan.
Tugon: Batong dating tinanggiha'y siya pang naging saligan.
Aking pinupuri
Ikaw, Panginoon, yamang pinakinggan,
dininig mo ako't pinapagtagumpay.
Ang batong natakwil
ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato'y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong
Diyos
kung iyong mamasdan ay kalugud-
lugod!
Tugon: Batong dating tinanggiha'y siya pang naging saligan.
Ang pumaparito
sa ngalan ng Poon ay pagpapalain;
magmula sa templo
mga pagpapala'y kanyang tatanggapin!
Ikaw ay aking Diyos,
kaya naman ako'y nagpapasalamat;
ang pagkadakila mo ay ihahayag.
O pasalamatan
ang D'yos na Poon, pagkat siya'y
mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Tugon: Batong dating tinanggiha'y siya pang naging saligan.
1 Juan 3, 1-2
Makikita natin ang Diyos sa kanyang likas na sarîIî.
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol SanJuan
Mga pinakamamahal:
Isipin ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos — at iyan ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan; hindi nila kinikilala ang Diyos. Mga minamahal, sa ngayon, tayo'y mga anak ng Diyos, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Gayunman, alam nating sa pagparitong muli ni Kristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang likas na kalagayan.
Ang Salita ng Diyos.
Juan 10, 14
Aleluya! Aleluya!
Ako'y pastol na butihin
kilala ko'ng tupang akin;
ako'y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!
Juan 10, 11-18
Ang Mabuting Pastol ay naghahain ng buhay para sa mga tupa.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus: "Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. Ang upahan ay tumatakas, kapag nakikitang dumarating ang asong-gubat. Iniiwan niya ang mga tupa, palibhasa'y hindi siya pastol at hindi kanya ang mga tupa. Kaya't sinisila ng asong-gubat ang mga ito, at pinangangalat. Tumatakas siya palibhasa'y upahan lamang at walang malasakit sa mga tupa. Ako ang mabuting pastol. Kung paanong nakikilala ako ng Ama at siya'y nakikilala ko, gayon din naman, nakikilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y nakikilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. Mayroon akong ibang tupa na wala sa kulungang ito. Kinakailangang sila'y alagaan ko rin; pakikinggan nila ang aking tinig. Sa gayo'y magiging isa ang kawan at isa ang pastol.
"Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay, upang ito'y kunin kong muli. Walang makakukuha nito sa akin; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kunin uli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.