Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
DAKILANG KAPISTAHAN NG KABANAL-BANALANG KATAWAN AT DUGO NI KRISTO - TAON B
Exodo 24, 3-8
Ang dugong ito ang siyang katibayan ng pakikipagtipang ginawa sa inyo ng Panginoon.
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo
Noong mga araw na iyon, lahat ng iniutos ng Panginoon ay sinabi ni Moises sa mga.Israelita. Ang mga ito nama'y parang iisang taong sumagot, "Lahat ng iniuutos ng Panginoon ay susundin namin." Isinulat ni Moises ang lahat ng utos ng Panginoon. Kinabukasan, maagang-maaga siyang nagtayo ng altar sa paanan ng bundok. Nagtayo rin siya ng labindalawang bato, na kumakatawan sa labindalawang lipi ni Israel. Pagkatapos, inutusan niya ang ilang kabataang lalaki na magdala sa altar ng mga handog na susunugin. Sila rin ang inutusan niyang pumatay ng mga hayop na gagamiting handog sa pakikipagtipan sa Panginoon. Ang kalahati ng dugo ng pinatay na hayop ay inilagay niya sa malalaking mangkok at ang kalahati'y ibinuhos niya sa altar. Kinuha niya ang aklat ng tipan at binasa nang malakas. Sabay-sabay namang tumugon ang mga Israelita, "Susundin namin ang lahat ng utos ng Panginoon."
Pagkatapos, kinuha ni Moises ang mga mangkok ng dugo at winisikan ang mga tao. Sinabi niya, "Ang dugong ito ang siyang katibayan ng pakikipagtipang ginawa sa inyo ng Panginoon sa pagbibigay sa inyo ng kautusang ito."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 115, 12-13. 15 at 16bk. 17 L18
Sa Diyos ko't Panginoon, ano'ng aking
ihahandog
sa lahat ng kabutihan na sa akin ay
kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin
na masarap,
bilang aking pagkilala sa ginawang
pagliligtas.
Tugon: Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi'y handog.
Masakit sa kalooban ng Poon kung may
papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang
magdaramdam,
katulad ng aking ina, maglilingkod
akong lubos
yamang ako'y iniligtas, kinalinga at
tinubos.
Tugon: Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi'y handog.
Ako ngayo'y maghahandog ng haing
pasasalamat,
ang handog kong panalangi'y sa iyo ko
ilalagak.
Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko
ibibigay
ang anumang pangako kong sa iyo ay
binitiwan.
Tugon: Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi'y handog.
Hebreb 9, 11-15
Ang dugo ni Kristo ang lumilinis sa ating puso't isip.
Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo
Mga kapatid, dumating na si Kristo, ang Dakilang Saserdote ng bagong tipan. Siya'y naglilingkod doon sa sambahang lalong dakila at walang katulad, hindi ginawa ng tao, alalaong baga'y wala sa sanlibutang ito. Minsan lamang pumasok si Kristo sa Dakong Kabanal-banalan, at iyo'y sapat na. Hindi dugo ng mga kambing at bisirong baka ang kanyang dalang handog, kundi ang sariling dugo, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin. Ang dugo ng mga kambing at mga toro at ang abo ng dumalagang baka ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi. Sa gayun, sila'y nagiging malinis ayon sa Kautusan. Ngunit higit na di hamak ang magagawa ng dugo ni Kristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso't isip upang talikdan na natin ang mga gawang walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buhay.
Ang Salita ng Diyos.
Ito ay maaaring ipahayag bago mag-ALELUYA
(Tunghayan sa mga pahina 438-439).
Ano o
m,
ni.
p
s vago.-
nt
Purihin mo, Lungsod ng D'yos,
ang Pastol na Manunubos,
ang Panginoong si Hesus.
Sa abot ng kakayanan
ng lahat ng kanyang hirang,
siya'y dapat papurihan.
Ang sarili niya'y handog
upang lahat ay matubos
at mapalakas nang lubos.
Kasalo'y mga alagad
ng Panginoong Mesiyas
na hai'y buhay sa lahat.
Siya'y dapat na handugan
ng papuri at parangal
ng lahat ng kanyang hirang.
Ngayo'y ating gunitain
ang Huling Hapunang bilin
ng Panginoon sa atin.
Dito naganap ang tipan
na bago at walang hanggan
sa kaligtasan ng tanan.
Ang kasunduang matanda
humantong sa pasinaya
ng hain n'yang inihanda.
Tanang ginanap ni Hesus
ay habilin niyang utos
na ipagdiwang nang lubos.
Ang handog niyang pagkain
at alay niyang inumi'y
laman niya't dugong hain.
Kanyang turong iniaral
na ang alak at tinapay
ay dugo niya't katawan.
Manalig tayong matapat
kahit hindi namamalas
ang pagbabagong naganap.
Pagkain ay pinalitan
ni Kristo ng kanyang laman
upang tayo'y makinabang.
Napalitan ang inumin
sa dugo na inihain
ni Hesus para sa atin.
Ating pinagsasaluha'y
si Hesus na Poong mahal,
walang bawas, walang kulang.
Kahit marami o isa
ang tumatanggap sa kanya'y
laging sapat, laging kasya.
Ang may sala'y lapastangan
ngunit ang butihi'y banal
pagdulog sa pakinabang.
Masuwayi'y magdurusa,
mabubuhay ang magtika
nang si Kristo'y matanggap n'ya.
Hinati-hating tinapay
para sa nakikinabang
ay laman ni Kristong buhay
na sa ati'y kanyang alay.
Sa lahat ng tumatanggap
paghahati'y ginaganap
ngunit buo, walang bawas
ang Katawan ng Mesiyas.
* Pagkaing mula sa langit
ngayo'y hain sa daigdig.
Handog na kaibig-ibig
kailanma'y di masasaid.
Paghahai'y inilahad
nang ialay si Isaac,
ang korderong nagliligtas,
ang manna ng nagsilikas.
Pastol naming mapagmahal,
kami'y iyong kaawaan,
gawing dapat makinabang
sa pagkaing iyong alay
hanggang langit ay makamtan.
Magagawa mo ang lahat
upang tanan ay maligtas,
akayin mo sa 'yong hapag
lahat kaming 'yong alagad
sa buhay mong walang wakas.
I
A ng IV---
Juan 6, 51
Aleluya! Aleluya!
Pagkaing dulot ay buhay
Si Hesus na Poong mahal,
Buhay natin s'ya kailanman.
Aleluya! Aleluya!
Marcos 14, 12-16. 22-26
[to ang aking katawan. [to ang aking dugo.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, araw ng pagpatay ng kordero para sa Paskuwa. Tinanong si Hesus ng kanyang mga alagad, 'dSaan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?" Inutusan niya ang dalawa sa kanyang mga alagad, "Pumunta kayo sa bayan. May masasalubong kayong isang lalaki na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang papasukan at sabihin ninyo sa may-ari, 'Ipinatatanong po ng Guro kung saang silid siya maaaring kumain ng Hapunang Pampaskuwa, kasalo ng kanyang mga alagad.' At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na mayroon nang kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin." Nagtungo sa bayan ang mga alagad at natagpuan nga nila roon ang lahat, gaya ng sinabi niya sa kanila. At inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.
Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Hesus, at matapos magpasalamat sa Diyos
ay kanyang pinaghati-hati at ibinigay sa mga alagad. "Kunin ninyo; ito ang katawan," wika niya. Hinawakan aking niya ang kalis, at matapos magpasalamat
ay ibinigay sa kanila; at uminom silang Jahat. Sinabi niya, "Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos dahil sa marami. Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak na mula sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos." Umawit sila ng isang imno, at pagkatapos nagtungo sa Bundok ng mga Olibo.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.