Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
KAPISTAHAN NG PAGBIBINYAG SA PANGINOON - TAON B
Isaias 42, 1-4. 6-7
Ito ang lingkod kong kinalulugdan.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Sinabi ng Panginoon, "Ito ang lingkod
ko na aking itataas,
na aking pinili at kinalulugdan;
ibubuhos ko sa kanya
ang aking Espiritu,
at sa mga bansa ay
siya ang magpapairal ng katarungan.
Mahinahon at banayad kung siya'y
magsalita,
ni hindi magtataas ng kanyang tinig.
Ang marupok na tambo'y hindi
babaliin,
ilaw na aandap-andap di n'ya
papatayin,
at ang katarungan ang paiiralin.
Di siya mawawalan ng pag-asa
ni masisiraan ng loob,
paghahariin niya ang katarungan sa
daigdig.
Ang mga bansa sa malayo ay buong
pananabik
na maghihintay sa kanyang mga turo.
Akong Panginoon, tumawag sa iyo,
binigyan kita ng kapangyarihan
Upang pairalin ang katarungan sa
daigdig.
Sa pamamagitan mo ay gagawa ako
ng pakikipagtipan sa lahat ng tao
at magdadala ng liwanag sa lahat ng
bansa.
Ikaw ang magpapadilat sa mga bulag
at magpapalaya sa mga bilanggo ng
kadiliman."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 28, 1a at 2. 3ak-4. 3b at 9b-10
Purihin ang Panginoon ninyong banal
na nilalang,
pagkat siya ay dakila't marangal ang
kanyang ngalan;
ang Poon ay dakilain, purihin ang Diyos
na Banal,
yumuko ang bawat isa kapag siya ay
dumatal.
Tugon: Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng Poong mahal.
Sa gitna ng karagatan tinig niya'y
naririnig.
Sa laot ng karagata'y hindi ito
nalilingid.
Pag nangusap na ang Poon, tinig niya'y
ubod-lakas,
ngunit tinig-kamahalan, kapag siya'y
nangungusap.
Tugon: Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng Poong mahal.
Ang tinig ng dakilang Diyos, parang
kulog na malakas,
kaya't mga nasa templo'y sumisigaw,
nagagalak,
"Panginoo'y papurihan!" ganito ang
binibigkas
siya rin ang naghahari sa dagat na
kalaliman,
numuno siya roon bilang hari, walang
hanggan.
Tugon: Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng Poong mahal.
Mga Gawa 10, 34-38
Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo.
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Noong mga araw na iyon, nagsalita si Pedro, "Ngayon ko lubusang natanto na walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit saang bansa. Ibinigay ng Diyos ang kanyang salita sa mga Israelita. Sa kanila niya ipinahayag ang Mabuting Balita tungkol sa pakikipagkasundo sa pamamagitan ni Hesukristo. Ngunit siya'y Panginoon ng lahat! Alam ninyo ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko'y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo."
Ang Salita ng Diyos.
Marcos 9, 6
Aleluya! Aleluya!
Nagsalita ang D'yos Ama:
"Ang Anak kong sinisinta
ay narito, dinggin n'yo s'ya!"
Aleluya! Aleluya!
Marcos 1, 7-11
Ikaw ang minamahal kong Anak, lubos kitang kinalulugdan.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon: sinasabi ni Juan Bautista sa kanyang pangangaral: "Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa akin: ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo."
Hindi nagluwat, dumating si Hesus mula sa Nazaret, Galilea, at siya'y bininyagan ni Juan sa Ilog-Jordan. Pagkaahung-pagkaahon ni Hesus sa tubig ay nakita niyang nabuksan ang kalangitan, at bumababa sa kanya ang Espiritu na gaya ng isang kalapati. At isang tinig ang nagmula sa langit: "Ikaw ang minamahal kong Anak, lubos kitang kinalulugdan."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.