Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT SA LANGIT NG PANGINOON
Mga Gawa 1, 1-11
Si Hesus ay iniakyat samantalang nakatingin ang mga alagad.
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Mahal na Teofilo:
Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus buhat sa pasimula hanggang sa araw na siya'y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga apostol na kayong hinirang. Pagkatapos ng kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa gayon, napatunayang siya'y buhay. Napakita siya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo tungkol sa paghahari ng Diyos. At samantalang siya'y kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: "Huwag muna kayang aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. Nagbinyag nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at bibinyagan kayo sa Espiritu Santo."
Kaya't nang magkasama-sama si Hesus at ang mga alagad, nagtanong ang mga ito, "Panginoon, itatatag na ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?" Sumagot siya, "Ang mga panahon at sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig." Pagkasabi nito, siya'y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap.
Habang sila'y nakatitig sa langit, tumayo sa tabi nila. "Mga taga-Galilea,", sabi nila, "Bakit kayo narito't nakatingala sa langit? Itong si Hesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
pumalakpak kayong may awit at tuwa!
Bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na Poon, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan,
Siya'y naghahari sa sangkatauhan.
Tugon: Habang umaakyat ang D'yos, ang tambuli'y tumutunog.
Umakyat sa trono ang Panginoong
Diyos,
hatid ng tambuling malakas ang tunog;
masayang sigawan ang ipinansuob.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya'y papurihan!
Tugon: Habang umaakyat ang D'yos, ang tambuli'y tumutunog.
Ang Diyos, siyang
hari ng lah
awita't purihin ng
Maghahari siya sa mga nilikha!
magmula sa trononlahat ng bansa
g banal at dakil
Tugon: Habang umaakyat ang D'yos, ang tambuli'y tumutunog.
Efeso l, 17-23
Iniluklok si Kristo sa kanan Diyos Ama sa ng kalangitan
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Efeso san Mga kapatid:
Hinihiling ko sa Diyos ng Panginoong Hesukristo, ating Ama, na pagkalooban ang dakilang espiritu ng karunungan niya kayo
at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa'y ng Diyos ang inyong mga liwanagan malaman ninyo ang ating isip upang kanyang pagkatawag sa atin. inaasahan sa kaluwalhatiang inilaan niya Ito'y ang sa kanyang mga hinirang, at ang walang kapangyarihan niya sa atin hanggang na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, kanan ng Diyos. Kaya't sa ng kapangyarihan ni Kristo ilalim nasa ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit kanyang pangalan kaysa lahat ang ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, Ito ang katawan ni Kristo, at siya ang ginawang ulo ng simbahan. ang niya na pumuspuspos sa lahatkapuspusan lahat.
Ang Salita ng Diyos.
loa. 20b
Mateo
Aleluya! Aleluya!
Humayo't magturo kayo
palaging kasama ako
hanggang sa wakas ng mundo.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 28, 16-20
Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.
+ Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon: Ang Labingisang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya'y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.