Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
DAKILANG KAPISTAHAN NG KABANAL-BANALANG SANTATLO - TAON A
Exodo 34, 4b-6. 8-9
Ang Panginoong Diyos ay mapagmahal at maawain.
Pagbasa mula sa-aklat ng Exodo
Noong mga araw na iyon, tumapyas si Moises ng dalawang bato at dinala kinaumagahan sa Bundok ng Sinai.
Ang Panginoon ay bumaba sa ulap, lumagay sa tabi ni Moises at binanggit ang kanyang pangalan: Panginoon.
Ang Panginoon ay nagdaan sa harapan ni Moises. Sinabi niya, "Akong Panginoon ay mapagmahal at maawain. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako'y nananatiling tapat."
Nanikluhod si Moises at sumamba sa Panginoon. Sinabi niya, "Kung talagang kinalulugdan ninyo ako, isinasamo kong samahan ninyo kami kahit na matigas ang ulo ng Iahing ito. Patawarin na ninyo kami at tanggapin bilang inyong bayan."
Ang Salita ng Diyos.
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56
Pinupuri ka namin, Panginoon; Diyos ng
aming mga ninuno;
karapat-dapat kang ipagdangal at
dakilain mapagkailanman.
Purihin ang iyong banal at
maluwalhatiang pangalan,
nararapat purihin at ipagdangal
magpakailanman
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
I Purihin ka sa iyong banal at marangal
na tahanan;
lubhang karapat-dapat kang awitan at
dakilain magpakailanman.
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
Purihin ka, na nakaluklok sa maringal
mong Trono,
karapat-dapat kang awitan at dakilain
magpakailanman.
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng
mga kerubin,
nakikita mo ang kalaliman, ang daigdig
ng mga patay.
Karapat-dapat kang purihin at dakilain
mapagkailanman
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
Purihin ka sa buong sangkalangitan;
karapat-dapat kang awitan at dakilain
magpakailnaman.
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
2 Corinto 13, 11-13
Nawa'y sumainyong lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo.
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, sikapin ninyong maging ganap at sundin ninyo ang mga payo kc; magkaisa kayo, at mamuhay nang payapa. Sa gayun, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.
Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Kristo. Kinukumusta kayo ng lahat ng mga kapatid sa simbahan.
Nawa'y sumainyong lahat ang pagpapala ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo.
Ang Salita ng Diyos.
Pahayag I, 8
Aleluya! Aleluya!
Dakila ang Amang mahal
Anak, Espiritung Banal
noon, ngayon, kailan pa man.
Aleluya! Aleluya!
Juan 3, 16-18
Sinugo ng Diyos ang kanyang anak upang iligtas ang sanlibutan sa pamamagitan niya.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.