Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-9 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON A
Deuteronomio 11, 18. 26-28. 32
Itatakda ko sa inyo ang pagpapala at sumpa.
Pagbasa mula sa aldat ng Deuteronomio
Sinabi ni Moises sa bayan: "Kailangang ang mga utos na ito'y itanim ninyo sa inyong mga puso't isipan. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, at itali sa inyong noo.
araw na ito, itatakda ko sa inyo ang pagpapala at sumpa. Pagpapalain kayo ng Panginoon kapag sinunod ninyo ang kanyang mga utos, ngunit susumpain niya kayo kapag sumamba kayo sa ibang diyos sa halip na sumunod sa kanyang mga utos. Sundin ninyong mabuti ang Kautusan at ang mga tuntuning inilahad ko ngayon sa inyo."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 17 at 25
Sa 'yo, Panginoon, ako'y lumalapit
upang ingatan mo, nang hindi malupig;
ang aking dalanging laging sinasambit:
"11igtas mo ako, O Diyos na matuwid."
Sagipin mo ako, ako ay pakinggan!
Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
Tagapagtanggol ko't aking kaligtasan.
Tugon: D'yos ko, ako'y ipagtanggol at iligtas, Panginoon.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
ayon sa sabi mo, ako'y patnubayan.
O aking patnubay, ako ay iligtas,
sa patibong nila at umang na bitag;
kupkupin mo ako at iyong ingatan,
ang pagliligtas mo sa aki'y pakamtan;
Ikaw ang aking Diyos, na tapat at
tunay.
Tugon: D'yos ko, ako'y ipagtanggol at iligtas, Panginoon.
Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,
ingatan mo ako't iyong pagpalain;
iligtas mo ako at iyong sagipin,
tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw!
O magpakatatag ang mga nilikha,
lahat ng sa Poon ay nagtitiwala!
Tugon: D'yos ko, ako'y ipagtanggol at iligtas, Panginoon.
Roma 3, 21-25a. 28
Ang tao'y pinawawalang-sala dahil sa pananalig at hindi dahil sa pagtupad ng Kautusan.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid:
Ngayo'y nahayag na ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao. Ito'y hindi sa pamamagitan ng batas, bagamat ito'y pinatotohanan ng Kautusan at ng mga propeta. Pinawawalang-sala ng Diyos ang lahat ng nananalig kay Hesukristo sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya, maging Judio at maging Hentil. Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapatdapat sa paningin ng Diyos. Gayunman, dahil sa kanyang kagandahang-loob ay pinawalang-sala sila sa pamamagitan ni Kristo Hesus, na nagpalaya sa kanila. Siya ang itinakda ng Diyos na maging handog upang sa pagbububo ng kanyang dugo ay maipatawad ang kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pananalig sa kanya.
Sapagkat maliwanag na ang tao'y pinawalang-sala dahil sa pananalig kay
Ang Salita ng Diyos.
Juan 15, 5
Aleluya! Aleluya!
Ako'y puno, kayo'y sanga;
kapag ako ay kaisa,
kayo'y t'yak na mamumunga.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 7, 21-27
Ang bahay sa ibabaw ng bato at ang bahay na nakatayo sa buhanginan.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Hindi lahat ng tumatawag sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. Pagdating ng huling Araw, marami ang magsasabi sa akin, 'Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!' At sasabihin ko sa kanila, 'Kailanma'y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama!'
"Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, binayo ng malakas na hangin bumaha, at na iyon, ngunit hindi nagiba ang bahay nakatayo sa ibabaw ng bato. sapagkat
Ang bawat nakikinig sa aking mga salita nagsasagawa nito ay matutulad at hindi taong hangal na sa isang nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan malakas, bumaha, at binayo ng nang malakas na hangin ang bahay. Bumagsak
ang bahay na iyon at lubusang nawasakem
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.