Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-7 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON A
Levítico 19, 1-2. 17-18
Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
Pagbasa mula sa aklat ng Levitico
Sinabi ng Panginoon kay Moises, "Sabihin mo sa buong kapulungan ng Israel, 'Magpakabanal kayo, sapagkat akong Panginoon ay banal."'
"'Huwag kang magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, pangangaralan mo siya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kasamahan. Ibigin mo ang iyong gaya ng iyong sarili. Ako ang kapwa Panginoon."'
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 102, 1-2. 3-4. 810. 12-13
Panginoo'y papurihan, purihin mo,
kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo
sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay
papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang
kabutihan.
Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob.
Ang lahat kong kasalana'y siya ang
nagpapatawad,
at anumang aking sakit, ginagamot
niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay
inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't
habag.
Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob.
Kay ganda ng kalooban, mahabagin
itong Diyos, umibig
kung magalit ay banayad, kung
nama'y lubos.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng
pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang
kasalanan.
Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob.
Ang silangan at kanluran kung gaano
ang distansya
gayung-gayon ang pagtingin sa
sinumang nagkasala.
Kung paano nahahabag ang ama sa
anak niya
gayon siya nahahabag sa may takot sa
kanya.
Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob.
1 Corinto 3, 16-23
Ang lahat ay inyo, kayo'y kay Kristo at si Kristo nama'y sa Diyos.
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Parurusahan ng Diyos ang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.
Huwag dayain ninuman ang kanyang sarili. Kung may nag-aakalang siya'y marunong ayon sa sanlibutang ito, ibilang niyang siya'y mangmang upang maging tunay na marunong. Sapagkat ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos. Ganito ang sinasabi sa Kasulatan, "Hinuhuli niya ang marurunong sa kanila na ring katusuhan." Gayun din, "Alam ng Panginoon na ang iniisip ng marurunong ay walang kabuluhan." Kaya't huwag ipagmalaki ninuman ang na gagawa ng tao. Ang lahat ay inyo: si Pablo, si Apolos, at si Pedro; ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap — lahat ng ito'y sa inyo. At kayo'y kay Kristo, at si Kristo nama'y sa Diyos.
Ang Salita ng Diyos.
1 Juan 2, 5
Aleluya! Aleluya!
Lubos na magtatamasa
ng pag-ibig ng D'yos Ama
ang sumunod sa Anak n'ya.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 5, 3848
Ibigin ninyo ang inyong kaaway.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Narinig ninyo na sinabi, 'Mata sa mata at ngipin sa ngipin.' Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila. Kung.ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.
"Narinig na ninyong sinabi, 'Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.' Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo upang kayo'y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba't ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung ang binabati lamang ninyo'y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.