Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-4 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON A
Sofonias 2, 3; 3, 12-13
Iiwan ko roong buhay ang mga taong mapagpakumbaba at napasasaklolo.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Sofonias
Hanapin ninyo ang Poon, kayong
mapagpakumbaba,
kayong gumaganap ng kanyang
kautusan;
hanapin ninyo ang katwiran at iyon
ang iyong gawin,
baka sakaling kayo'y patawarin at
iligtas sa araw ng kanyang poot.
At ang iiwan ko roon ay mga taong
mapagpakumbaba,
na lalapit sa akin upang pasaklolo.
Ang natira sa Israel ay hindi na
gagawa ng kasamaan
at hindi magsisinungaling ni
mandaraya man.
Uunlad ang kanilang buhay at
magiging panatag
at wala silang katatakutan.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10
Ang maaasahang lagi'y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.
Tugon: Mga aba ay mapalad, D'yos ang hari nilang lahat.
Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya'y nililingap.
Tugon: Mga aba ay mapalad, D'yos ang hari nilang lahat.
Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila'y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo't ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.
Tugon: Mga aba ay mapalad, D'yos ang hari nilang lahat.
Walang hanggang Hari, ang Diyos na
Poon!
nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!
Tugon: Mga aba ay mapalad, D'yos ang hari nilang lahat.
1 Corinto 1, 26-31
Pinili ng Diyos ang mahihina sa turing ng sanlibutan.
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan nang kayo'y tawagin ng Diyos. lilan lamang sa inyo ang sa paningin ng sanlibutan ay marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang kabuluhan sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang mga itinuturing na dakila ng sanlibutan. Kaya't walang maaaring magmalaki sa harapan ng Diyos. Sa kanya mula ang ating pakikipag-isa kay Kristo Hesus, na ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan niya, tayo'y pinawalang-sala ng Diyos, pinapaging-banal at iniligtas. Kaya nga, tulad ng nasasabi sa Kasulatan, "Ang Panginoon ang dapat ipagmalaki ng may ibig magmalaki."
Ang Salita ng Diyos.
Mateo 5, 12a
Aleluya! Aleluya!
Magdiwang kayo't magsaya,
sa langit ay liligaya,
gagantimpalaan t'wina.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 5, 1-12a
Mapalad ang mga aba,
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nang makita
ni Hesus ang napakaraming tao, umahon
siya sa bundok. Pagkaupo niya'y lumapit
ang kanyang mga alagad, at sila'y tinuruan
niya ng ganito:
"Mapalad ang mga aba na wala nang
inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang
kaharian.
"Mapalad ang mga nahahapis,
sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
"Mapalad ang mga
mapagpakumbaba,
sapagkat tatamuhin nila ang
ipinangako ng Diyos.
"Mapalad ang mga nagmimithing
makatupad sa kalooban ng Diyos,
sapagkat ipagkakaloob sa kanila
ang kanilang minimithi.
"Mapalad ang mga mahabagin,
sapagkat kahahabagan sila ng
Diyos.
"Mapalad ang mga may malinis na
puso,
sapagkat makikita nila ang Diyos.
"Mapalad ang mga gumagawa ng
daan sa ikapagkakasundo,
sapagkat sila'y ituturing ng Diyos na
mga anak niya.
"Mapalad ang mga pinag-uusig dahil
sa kanilang pagsunod sa kalooban
ng Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang
kaharian.
"Mapalad kayo kapag dahil sa aki'y
inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig
at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng
kasamaan na pawang kasinungalingan.
Magdiwang kayo at magalak, sapagkat
malaki ang inyong gantimpala sa langit u
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.