Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-22 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON A
Jeremias 20, 7-9
Pinagtawanan ako sapagkat ipinahahayag ko ang Salita ng Panginoon.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias
Panginoon, ako'y iyong hinikayat,
at sumunod naman ako.
Higit kang malakas kaysa akin at
ikaw ay nagwagi.
Pinagtatawanan ako ng balana;
maghapon silang nagtatawa dahil
sa akin.
Tuwing ako'y magsasalita at sisigaw
ng "Karahasan! Pagkasira!"
Pinagtatawanan nila ako't inuuyam,
sapagkat ipinahahayag ko ang
iyong salita.
Ngunit kung sabihin kong, U Lilimutin
ko ang Panginoon at di na
sasambitin ang kanyang
pangalan,"
para namang apoy na naglalagablab
sa aking puso ang iyong mga
salita, apoy na nakakulong sa
aking mga buto.
Hindi ko na kayang pigilin ito, hirap
na hirap na akong magpigil.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 8-9
O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi
kong hinahanap;
ang uhaw kong kaluluwa'y tanging
ikaw yaong hangad;
para akong tuyong lupa na tubig ang
siyang lunas.
Tugon: Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang.
Bayaan mong sa santwaryo, sa lugar na
dakong banal,
Ikaw roo'y mamasdan ko, sa likas mong
karangalan.
Ang wagas na pag-ibig mo'y mahigit pa
kaysa buhay,
kaya ako'y magpupuri't ikaw ang
pag-uukulan.
Tugon: Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang.
Habang ako'y nabubuhay, ako'y
magpapasalamat,
at ako ay dadalangin na kamay ko'y
nakataas.
Itong aking kaluluwa'y kakaing may
kasiyahan,
magagalak na umawit ng papuring
iaalay.
Tugon: Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang.
Pagkat ikaw sa tuwina ang katulong na
malapit,
sa lilim ng iyong pakpak galak akong
umaawit.
Itong aking kaluluwa'y sa iyo lang
nanghahawak,
pagkat ako kung hawak mo, kaligtasa'y
natitiyak.
Tugon: Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang.
Roma 12, 1-2
Ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y namamanhik sa inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal' at kalugud-lugod sa kanya. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap.
Ang Salita ng Diyos.
Efeso 1, 17-18
Aleluya! Aleluya!
D'yos Ama ni Hesukristo,
kami ay liwanagan mo
at tutugon kami sa 'yo.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 16, 21-27
Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinimulang ipaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na dapat siyang magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang ipapapatay siya. Ngunit sa ikatlong araw siya'y muling mabubuhay. Niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan ng ganito: "Panginoon, huwag nawa ng itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyari ito sa inyo." Ngunit hinarap siya ni Hesus at sinabihan, "Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao. t'
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad. "Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito'y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yao'y gagantihin niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.