Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-18 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON A
Isaias 55, 1-3
Halikayo at kumain.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Ito ang sinasabi ng Panginoon:
"Narito ang tubig, mga nauuhaw.
Ang mga walang salapi ay
kumuha rito at bumili ng pagkain,
halikayo at bumili ng alak at gatas,
Bumili kayo, ngunit walang bayad.
Bakit ginugugol ang salapi
sa mga bagay na hindi nakabubusog?
Bakit inuubos ang pera
sa mga bagay na walang halaga?
Makinig kayo sa akin at sundin ang
utos ko
at matitikman ninyo ang
pinakamasarap na pagkain.
Pumarito kayo,
kayo ay lumapit at ako'y pakinggan,
makinig sa akin nang kayo'y mabuhay;
ako'y may gagawing walang
hanggang tipan,
at ipalalasap sa inyo ang pagpapalang
ipinangako ko kay David."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 144, 8-9. 15-16. 17-18
Ang Panginoong D'yos ay puspos ng
pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya'y
hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi
nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya
ay mamamalagi.
Tugon: Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal.
Tanging Panginoon ang inaasahan ng
tanang nabubuhay,
siyang nagdudulot ng pagkain nilang
kinakailangan.
Binibigyan Sila nang sapat na sapat,
hindi nagkukulang;
anupa't ang lahat ay may tinatanggap
na ikabubuhay.
Tugon: Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal.
Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay
niyang gumagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang
habag at awa.
Siya'y nakikinig at handang tumulong sa
lahat ng tao,
sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y
tapat at totoo.
Tugon: Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal.
Roma 8, 35. 37-39
Alinmang nilalang ay hindi makapaghihivvalay sa atirt sa pag-ibig ng Diyos.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid:
Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang tabak? Hindi! Ang lahat ng ito'y kayang-kaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos — pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
Mateo 4, 4b
Aleluya! Aleluya!
Ang tao ay nabubuhay
sa Salita ng Maykapal
na pagkaing kanyang bigay.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 14, 13-21
Kumain silang lahat at nabusog.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, siya'y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila'y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.
Nang dapit-hapon na'y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, " Ilang ang pook na iło at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain." "Hindi na siła kailangang umalis pa," sabi ni Hesus. "Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain." Sumagot siła, "Lilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin." "Dalhin ninyo rito," sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila'y nakapuno ng labindalawang bakol ng hati-hating tinapay. May limanlibong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.