Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-15 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON A
Isaias 55, 10-11
Ulang dumidilig sa balat ng tupa ay may pagkaing dulot sa madla.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Ito ang sinasabi ng Panginoon:
"Ang ulan at niyebe
paglagpak sa lupa'y di na nagbabalik,
aagos na ito sa balat ng lupa't nagiging
pandilig,
kaya may pagkai't butil na panghasik.
Ganyan din ang aking mga salita,
magaganap nito ang lahat kong
nasa.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 64, I()abkd. 10e-11. 12-13. 14
Umuulan sa lupain, ganito mo
kinalinga,
umuunlad ang lupai't tumataba yaong
Lupa;
patuloy na umaagos ang bigay mong
mga batis,
sa halamang nasa lupa, ay ito ang
dumidilig;
ganito ang ginawa mo na hindi mo
ikinait.
Tugon: Nagbunga nang masagana binhi sa mabuting lupa.
Sa binungkal na bukirin ang ulan ay
masagana,
ang bukirin ay matubig, at palaging
basang-basa;
sa banayad na tag-ulan ay lumambot
yaong lupa,
kaya naman pati tanim ay malago at
sariwa.
Tugon: Nagbunga nang masagana binhi sa mabuting lupa.
Nag-aani nang marami sa tulong mong
gumagawa,
at saanman magpunta ka'y masaganang
masagana.
Ang pastula'y punung-puno ng
matabang mga kawan,
naghahari yaong galak sa lahat ng
kaburulan.
Tugon: Nagbunga nang masagana binhi sa mabuting lupa.
Gumagala yaong tupa sa gitna ng
kaparangan,
at hitik na hitik man din ang trigo sa
kapatagan;
ang lahat ay umaawit, sa galak ay
sumisigaw!
Tugon: Nagbunga nang masagana binhi sa mabuting lupa.
Roma 8, 18-23
Umaasa ang sangnilikha na makakahati sa kalagayan ng mga anak ng Diyos.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid, sa ganang akin, ang mga pagtitiis sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa ihahayag na kaluwalhatiang sasaatin. Nananabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. Nabigo ang sangnilikha, hindi sa kagustuhan nito, kundi dahil sa ito ang niloob ng Diyos. Gayunman, may pag-asa pa, sapagkat ang sangnilikha ay palalayain sa pagkaalipin nito sa kabulukan, at makakahati sa maluwalhating kalagayan ng mga anak ng Diyos. Alam natin na hanggang ngayon ang sangnilikha ay dumaraing sa paghihirap. Hindi lamang sila! Tayo mang tumanggap ng Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay napapahimutok samantalang hinihintay natin ang pag-aampon sa atin ng Diyos, ang pagpapalaya sa ating mga katawan.
Ang Salita ng Diyos.
Aleluya! Aleluya!
Salita ng D'yos ang buto
na tanim ni Hesukristo
upang tumubo sa tao.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 13, 1-23
Ang magsasaka ay lumabas upang maghasik.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noon ding araw na iyon, si Hesus ay!umabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Pinagkalipumpunan siya ng makapal na tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Nasa dalampasigan naman ang mga tao. At nagturo siya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga.
"May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang 'lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa'y walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay makinig!"
Lumapit ang mga alagad at tinanong si Hesus: "Bakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?" Sumagot siya, "Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa. Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi:
'Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa,
at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakikita.
Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga taong ito;
mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata.
Kung di gayun, disin sana'y nakakita ang kanilang mga mata,
nakarinig ang kanilang mga tainga,
nakaunawa ang kaniiang mga isip,
at nagbalik-loob sa akin,
at pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.'
"Mapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hindi ito nakita, at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito na pakinggan.
"Pakinggan nga ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan. Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso. Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad. Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kaya't hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Inilalarawan naman ng nahasik sa dawagan ang nakikinig ng Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salita'y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kaya't hindi makapamunga. At inilalarawan ng nahasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at nakauunawa nito. Sila'y may namumunga: tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.