Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-14 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON A
Zacarias 9, 9-10
Ang hari mo ay dumarating na mapagpakumbaba.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias
Ito ang sinasabi ng Panginoon:
"Sion, magalak ka at magdiwang!
Umawit ka nang malakas,
O Jerusalem!
Pagkat ang hari mo ay dumarating nar
mapagwagi at mapagtagumpay.
Mapagpakumbaba siya
at nakasakay sa isang bisirong asno.
Ipaaalis niya ang mga karwahe sa
Efraim,
gayun din ang mga kabayong
pandigma ng Jerusalem.
Babaliin niya ang mga panudla ng
mandirigma
at paiiralin ang pagkakasundo ng lahat
ng bansa;
ang hangganan ng kaharian niya'y
dagat magkabila,
mula sa Eufrates hanggang dulo ng
daigdig.
Ang Salita ng Diyos.
salmo 144, 1-2. 8-9. 10-11. 13kd-14
Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari,
aking ihahayag,
di ko titigilan magpakailanman ang
magpasalamat,
aking pupurihi't pasasalamatan siya
araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat
magpakailanman.
Tugon: Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang lagi.
Ang Panginoong D'yos ay puspos ng
pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya'y
hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi
nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya
ay mamamalagi.
Tugon: Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang lagi.
Magpupuring lahat sa iyo, O Poon, ang
iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka't
pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang
'yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila't
makapangyarihan.
Tugon: Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang lagi.
Di ka bibiguin sa mga pangako
pagkat ang Diyos ay tapat,
ang kanyang ginawa kahit ano ito ay
mabuting lahat.
Siya'y tumutulong sa lahat ng tao na
may suliranin;
yaong inaapi'y inaalis niya sa
pagkagupiling.
Tugon: Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang lagi.
Roma 8, 9. 11-13
Kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga gawa ng laman, mabubuhay kayo.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid:
Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Espiritu ni Kristo'y wala sa isang tao, hindi siya kay Kristo. Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Hesukristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.
Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman, kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman. Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa laman ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga gawa ng laman, mabubuhay kayo.
Ang Salita ng Diyos.
Mateo 11, 25
Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n'ya
Hari s'ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 11, 25-30
Ako'y maamo at mababang-loob.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyo'y sinabi ni Hesus: "Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.
Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.
Lumapit kayo sa akin, kayong napapagal at nabibigatan lahat na sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako'y maamo mababang-loob, at makasusumpong at kayo ng kapahingahan para sa inyong Sapagkat maginhawang dalhin kaluluwa. pamatok, at magaan ang pasaning aking ang ibibigay ko sa inyo."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.