Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-13 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON A
2 Hari 4, 8-11. 14-16a
Patuluyin natin ang lingkod ng Diyos.
Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari
Minsan, si Eliseo'y nagpunta sa Sunem. May isang mayamang babae roon at siya'y inanyayahang kumain sa kanila. Mula noon, doon siya kumakain tuwing. pupunta sa lugar na yaon. Sinabi Sinabi ng babae sa kanyang asawa, "Natitiyak kong lingkod ng Diyos ang taong ito.Bakit natin siya ipagpagawa ng isang silid para matuluyan niya tuwing pupunta rito? Bigyan natin siya ng higaan, mesa, upuan at ilaw,"
Nang magbalik Eliseo, doon siya si nagpahinga sa silid na inihanda sa kanya. Pagkaalis ng babae, tinanong ni Eliseo si Giezí, "Ano kaya ang maitutulong natin, po sa kanya" Sumagot Giezi Wala si siyang anak at matanda na ang asawa." Tawagin mo uli," utos ni Eliseo. Nagbalik ang babae at tumayo sa may pintuan. Sinabisa kanya ni Eliseo, "Isang taon mula ngayon ikaw ay magkakaanak."
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19
Pag-ibig mo, Poon, na di nagmamaliw
ang sa tuwi-t'wina'y aking aawitin,
ang katapatan moy laging sasambitin.
Yaong pag-ibig mo'ywalang katapusan,
sintatag ng langit ang 'yong katapatan.
Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.
Mapalad ang taong sa yoy sumasamba,
sa pagsamba nila'y inaawitan ka
at sa pag-ibig mo'y namumuhay sila.
sa buong maghapon, ikaw'y pinupuri,
ang katarungan mo'y siyang sinasabi.
Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.
Ang tagumpay namin ay iyong kaloob,
dahilan sa iyong kagandahang-loob.
Pagkat pinili mo yaong hari namin,
kaloob mo ito, Banal ng Israel.
Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.
Roma 8-116, 3-4.
Nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag, tayo'y mabubuhay sa isang bagong pamumuhay.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid:
Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan kanyang kamatayan? sa Samakatwid, tayo'y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan Ama, tayo nama'y ng mabuhay sa isang bagong pamumuhay. Ngunit tayoy naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung namatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo'y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa kasalanan datapwa't buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.
Ang Salita ng Diyos.
1 Pedro 2, 9
sa
Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo, ang humirang
upang kami'y maging bayan
ng pari at haring banal.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 10, 37-42
Ang sinumang hindi nagpapasan ng krus ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol: "Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae na higit sa akin hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-ingat ng kanyang bu hay ay siyang siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.
"Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, atang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya'y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito'y alagad ko – tinitiyak ko sa inyong tatanggap ng siya gantimpala."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.