Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKA-12 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - TAON A
Jeremias 20, 10-13
Inililigtas niya ang mga api mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias
Sinabi ni Jeremias:
Naririnig kong nagbubulungan ang
karamihan.
Tinagurian nila akong "Kilabot
saanman."
Sinasabi nila, "Isuplong natin!
Isuplong natin!"
Pati matatalik kong kaibiga'y
naghahangad ng aking
kapahamakan.
Wika pa nila, "Marahi! ay malilinlang
natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at
paghigantihan."
Subalit ikaw'y nasa panig ko, Poon
malakas ka't makapangyarihan;
madarapa ang lahat ng umuusig sa
akin,
hindi sila magtatagumpay kailanman.
Mapapahiya sila sapagkat hindi sila
magwawagi.
Mapapahiya sila habang panahon,
at ito'y hindi na makakalimutan.
Makatarungan ka kung sumubok sa
mga tao,
Poon, Diyos na Makapangyarihan,
alam mo ang laman ng kanilang
mga puso't isip.
Kaya't ikaw ang maghiganti sa mga
kaaway ko,
ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo
ang aking kapakanan.
Awitan ninyo ang Poon, inyong
purihin ang Poon
sapagkat inililigtas niya ang mga api
mula sa kamay ng mga gumagawa ng
masama.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 68, 8-10. 14 at 17. 33-35
Dahilan sa iyo, ako'y inaglahi,
napahiyang lubos sa pagkaunsiyami.
Sa mga kapatid parang ako'y iba,
kasambahay ko na'y di ako kilala.
Ang pagmamahal ko sa banal mong
templo,
matinding-matindi sa kalooban ko;
sa akin bumagsak, paghamak sa iyo.
Tugon: Panginoon, iyong dinggin akong iyong ginigiliw.
At sa ganang akin, ako'y dadalangin
sa iyo, O Poon, sana'y iyong dinggin
sa mga panahon na iyong ibigin;
dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,
ang iyong pangakong pagtubos ay
sundin.
Poon, sa buti mo't pag-ibig sa akin,
sa aking pagtawag ako sana'y dinggin,
sa pagkahabag mo, ako ay lingapin.
Tugon: Panginoon, iyong dinggin akong iyong ginigiliw.
Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo'y di nalilimutan.
Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa,
maging karagata't naroong nilikha!
Tugon: Panginoon, iyong dinggin akong iyong ginigiliw.
Roma 5, 12-15
Ang kagandahang-loob ng Diyos ay higit na di hamak kaysa pagsuway ni Adan.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid:
Ang kasalana'y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago pa ibinigay ang Kautusan, ngunit walang pinananagot sa kasalanan kung walang Kautusan. Gayunman, naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga tao na ang pagkakasala'y di tulad ng pagsuway ni Adan.
Si Adan ay anino ng isang darating. Ngunit magkaiba ang dalawang ito, sapagkat ang kagandahang-loob ng Diyos ay higit na di hamak kaysa pagsuway
ni Adan. Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa marami ang pagsuway ni Adan, ngunit malaki ang kahigtan ng kagandahang-loob ng Diyos at ng kaloob na dumating sa napakarami sa pamamagitan ng isang tao — si Hesukristo.
Ang Salita ng Diyos.
Juan 15, 26b. 27a
Aleluya! Aleluya!
Kayo at ang Espiritu
ang s'yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 10, 26-33
Huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, "Huwag kayong matakot sa mga tao. Walang natatago na di malalantad, o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo'y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan, sa impiyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban Ama. Maging ang buhok ng inyong ninyo'y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa Iibu-libong maya.
"Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.