Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKAANIM LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY - TAON A
Gawa 8, 5-8. 14-17
Pagbasa mula sa mga Gavia ng mga Apostol
Noong mga araw na iyon: Nagpunta si Felipe sa isang lungsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesiyas. Nang mabarrtaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ainaoawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habana lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kaya't nagkaroon no malaking kagalakan sa lungsod na iyon. Nang mabalitaan ng mga apostol na nasa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang Salita ng Diyos, sinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin nila ang mga Samaritano upang sila'y tumanggap din Espiritu Santo, sap«vgkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila'y nabiny«ugan lamang sa pangalan ng Panginoong Hesus. At ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at sila ng Espiritu Santo.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 1-3as 4-5. 6-7as 16 at 20
o kava: Aleluya!
Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
At purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kanya'y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
"Ang mga gavera mo ay kahanga-hanga."
Tugon: Sangkalupaang nilalang galak sa Poo'y isigaw.
Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba,
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala'y pinupuri nila.
Ang ginawa ng Diyos, lapit at
pagmasdan,
ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
Tugon: Sangkalupaang nilalang galak sa Poo'y isigaw.
Naging tuyong lupa kahit yaong tubig,
at ang nuno natin ay doon tumawid;
kaya naman tayo'y nagalak nang labis.
Siya'y naghaharing may lakas ang bisig.
Tugon: Sangkalupaang nilalang galak sa Poo'y isigaw.
Lapit at makinig, ang nagpaparangal
sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay
ang kanyang ginawang mga kabutihan.
Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan,
yamang ang daing ko'y kanyang
pinakinggan,
at ang pag-ibig n'ya ay aking kinamtan.
Tugon: Sangkalupaang nilalang galak sa Poo'y isigaw.
1 Pedro 3, 15-18
Siya'y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu.
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro
Mga pinakamamahal:
Idambana ninyo sa inyong puso si Kristong Panginoon. Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit maging mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga umaalipusta at tumutuya sa inyong magandang asal bilang mga lingkod ni Kristo. Higit na mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang loobin ito ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. Sapagkat si Kristo'y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat — ang walang kasalanan para sa mga makasalanan — upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu.
Ang Salita ng Diyos.
Juan 14, 23
Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki'y nagmamahal,
tutupad sa aking aral,
Ama't ako'y mananahan.
Aleluya! Aleluya!
Juan 14, 15-21
Dadalangin ako sa Ama at kayo y bibigyan niya ng isa pang Patnubay.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: d'Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito'y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y sumasainyo at nananahan sa inyo.
"Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako na lamang sa inyo. Kaunting panahon at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako'y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako'y sumasa-Ama, kayo'y sumasaakin, at ako'y sumasainyo. "Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.