Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKAAPAT LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY - TAON A
Gawa 2, 14a. 36-41
Siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Kristo.
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Noong araw ng Pentekostes, tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita siya nang malakas, "Dapat malaman ng buong Israel na itong si Hesus na ipinako ninyo sa Krus — siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Kristo!"
Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang mga apostol, "Mga kapatid, ano ang gagawin namin?" Sumagot si Pedro, "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabinyag kayo sa pangalan ni Hesukristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako'y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo -— sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos."
Marami pa siyang inilahad upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, "Lumayo kayo sa masamang Iahing ito upang kayo'y maligtas." Kaya't ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabinyag; at nadagdag sa kanila ang may tatlunlibong tao nang araw na iyon.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 22, 1-3a. 3b-4, 5. 6
Panginoo'y aking Pastol, hindi ako
magkukulang.
ako'y pinahihimlay sa mainam na
pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na
batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong
kalakasan.
Tugon: Pastol ko'y Panginoong D'yos, hindi ako magdarahop.
At sang-ayon sa pangako na kaniyang
binitiwan
sa matuwid na landasi'y doon iyon
inaakay.
Kahit na ang daang iyo'y tumatahak sa
karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika'y
kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay
ko at sanggalang.
Tugon: Pastol ko'y Panginoong D'yos, hindi ako magdarahop.
Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may
handang dulang,
ito'y iyong ginagawang nakikita ng
kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay
langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong
pinaaapaw.
Tugon: Pastol ko'y Panginoong D'yos, hindi ako magdarahop.
Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong
kabutihan,
sasaaki't tataglayin habang ako'y
nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at
mananahan.
Tugon: Pastol ko'y Panginoong D'yos, hindi ako magdarahop.
1 Pedro 2, 20b-25
Tinipon kayong muli ng Pastol at Tagapagligtas ng inyong kaluluwa.
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro
Mga pinakamamahal ko:
Pagpapalain kayo ng Diyos kung kayo'y maparusahan sa paggawa ng mabuti. Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman. Nang siya'y alipustain, hindi siya gumanti. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta. Nanalig siya sa Diyos na makatarungan. Sa kanyang pagkamatay sa krus, dinala niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tuluyan na nating iwan ang pagkakasala at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo'y gumaling sa pamamagitan ng kanyang mga sugat. Sapagkat nagkawatak-watak kayo gaya ng mga tupang naligaw, ngunit tinipon kayong muli ng Pasto! at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.
Ang Salita ng Diyos.
Juan 10, 14 mga
Aleluya! Aleluya!
Ako'y pastol na butihin
kilala ko'ng tupang akin;
ako'y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!
Juan 10, 1-10
Ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon: sinabi ni Hesus: "Tandaan ninyo ito: ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa Pinto nagdaraan, kundi umaakyat sa di dapat pagdaanan, ay magnanakaw at tulisan. Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya ng bantay-pinto, at pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya'y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi Sila sumusunod sa iba, bagkus pa nga'y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig."
Sinabi ni Hesus ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.
Kaya't muling sinabi ni Hesus, "Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang mga nauna akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi Sila pinakinggan ng tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa'y magkaroon ng buhay — isang buhay na ganap at kasiya-siya."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.