Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKALAWANG LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY - TAON A
Mga Gawa 2, 42-47
Nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya, at para sa lahat ang kanilang ari-arian.
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Ang mga kapatid ay nanatili sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin.
Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa templo, naghahati-hati ng tinapay sa kanilang tahanan, at nagsasalu-salong masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 117, 2-4. 13-15. 22-24
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi't kanilang ihayag,
"Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi
kukupas."
Mga saserdote
ng Diyos na Panginoon, bayaang
magsaysay:
"Ang pag-ibig ng Diyos, walang
katapusan."
Lahat ng may takot
sa Panginoong Diyos, dapat
magpahayag,
d' Ang pag-ibig niya'y hindi
magwawakas."
Tugon: Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
Sinalakay ako't
halos magtagumpay ang mga kaaway,
dahilan sa Poon sila'y napipilan.
Dahilan sa Poon tumatag;
ako'y pinalakas, at ako'y
Siya, sa buhay ko, ang Tagapagligtas.
Dinggin ang masayang hinirang:
sigawan sa tolda ng mga na patnubay,
"Panginoo'y siyang lakas
Tugon: Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
1 Pedro 1, 3-9
Isinilang tayo sa bagong buhay na siyang pag-asa sa pamamagitan ng pagkabuhay ni Hesukristo.
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro
Purihin natin ang Diyos at Ama ng
ating Panginoong Hesukristo. Dahil sa laki
ng habag niya sa atin, tayo'y isinilang sa
isang panibagong buhay sa pamamagitan
ng muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ang
bagong buhay na iyan ang nagbigay sa atin
ng malaking pag-asa na kakamtan natin
ang isang kayamanang walang kapintasan,
di masisira, at di kukupas. Ang
kayamanang iya'y nakalaan sa inyo
doon sa langit. Sapagkat kayo'y
sumampalataya, iingatan kayo ng
kapangyarihan ng Diyos samantalang
hinihintay ninyo ang kaligtasang
nakalaang ihayag sa katapusan ng mga
panahon.
Ito'y dapat ninyong ikagalak, bagamat
maaaring magdanas muna kayo ng iba't
ibang pagsubok sa loob ng maikling
panahon. Ang ginto, na nasisira, ay
pinararaan sa apoy upang malaman kung
talagang dalisay. Gayon din naman, ang
inyong pananampalataya, na higit kaysa
ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang
malaman kung talagang tapat. Sa gayon,
kayo'y papupurihan, dadakilain, at
pararangalan sa Araw na mahayag si
Hesukristo. Hindi ninyo siya nakita kailan-
man, ngunit siya'y inibig na ninyo. Hindi
pa rin ninyo siya nakikita magpahanggang
ngayon, ngunit nananalig na kayo sa
kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa
inyong puso ang kagalakang di kayang
ilarawan sa salita. Sapagkat inaani na
ninyo ang bunga ng inyong
pananampalataya — ang inyong kaligtasan.
Ang Salita ng Diyos.
Juan 20, 29
Aleluya! Aleluya!
Mapalad at maligaya
ang sumasampalataya
sa di nakita ng mata!
Aleluya! Aleluya!
Juan 20, 19-31
Makalipas ang walong araw, si Hesus ay tumayo sa gitna nila.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. "Sumainyo ang kapayapaan!" sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, "Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo." Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, "Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad."
Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Hesus. Kaya't sinabi sa kanya ng ibang alagad, "Nakita namin ang Panginoon!" Sumagot si Tomas, "Hindi ako maniniwala hangga't di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga't hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran."
Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, "Sumainyo ang kapayapaan!" Saka sinabi kay Tomas, "Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na." Sumagot si Tomas, "Panginoon ko at Diyos ko!" Sinabi sa kanya ni Hesus, "Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."
Marami pang kababalaghang ginawa si Hesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito. Ang mga natala rito'y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, at sa gayo'y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.