Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKAAPAT LINGGO SA PANAHON NG PAGDATING NG PANGINOON - TAON A
Isaias 7, 10-14
Maglilihi ang isang dalaga.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Noong mga araw na iyon, ipinasabi
ng Panginoon kay Acaz: "Humingi ka sa
akin ng palatandaan, maging sa kalaliman
ng kinaroroanan ng mga yumao o sa
kaitaasan ng langit." Sumagot si Acaz:
"Hindi po ako hihingi. Hindi ko susubukin
ang Panginoon."
Sinabi ni Isaias:
"Pakinggan mo, sambahayan ni
David, kulang pa ba ang galitin
ninyo ang mga tao na pati ang
aking Diyos ay inyong niyayamot?
Kaya nga't ang Panginoon na rin ang
magbibigay ng palatandaan:
Maglilihi ang isang dalaga
at manganganak ng lalaki
at ito'y tatawaging EmmanueL"
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6
Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ari'y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundo'y natayo at yaong sandiga'y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.
Tugon: Ang Panginoo'y darating, s'ya'y dakilang Hari natin.
Sino ang marapat umahon sa burol
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sino'ng papayagang pumasok sa templo,
sino'ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.
Tugon: Ang Panginoo'y darating, s'ya'y dakilang Hari natin.
Ang D'yos na Panginoon, pagpapalain
siya,
ililigtas siya't pawawalang-sala.
Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos,
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.
Tugon: Ang Panginoo'y darating, s'ya'y dakilang Hari natin.
Roma 1, 17
Si Hesukristo tillila sa lipi ni David ay Anak ng Divos.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mula kay Pablo na alipin ni Kristo Hesus, tinawag upang maging apostol at hinirang upang mangaral ng Mabuting Balita ng Diyos. Sa inyong lahat na minamahal ng Diyos na nangariyan sa Roma, na tinawag upang maging mga banal:
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.
Ang Mabuting Balitang ito, na ipinangako niya noon pang una sa pamamagitan ng mga propeta at nasasaad sa mga banal na kasulatan, ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo. Sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lipi ni David, at sa likas na kabanalan ng kanyang espiritu, ipinahayag siyang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng makapangyarihang gawa — ang kanyang muling pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, tinanggap namin sa Diyos ang kaloob na maging apostol upang ang lahat ng bansa ay akayin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya. Kabilang din kayo sa mga tinawag na maging tagasunod ni Hesukristo.
Ang Salita ng Diyos.
Mateo 1, 23
Aleluya! Aleluya!
Maglilihi ang dalaga
lalaking isisilang n'ya'y
Emmanuel na Poong sinta.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 1, 18-24
Si Hesus ay isisilang ni Maria na nakatakdang ikasal kay Jose na anak ni David.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria'y natagpuang nagdadalang-tao. Ito'y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria sapagkat siya'y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito'y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."
Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:
"Maglilihi ang isang dalaga at
manganganak ng isang lalaki,
at tatawagin itong Emmanuel"
ang kahuluga'y "Kasama natin
ang Diyos. "
Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.