Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
IKATLONG LINGGO SA PANAHON NG PAGDATING NG PANGINOON - TAON A
Isaias 35, 1-6a.
Ang Poong Diyos ay darating, tayo'y kanyang sasagipin.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Ang ulilang lupaing malaon nang
tigang
ay muling sasaya,
mananariwa at mamumulaklak ang
ilang.
Ang dating ilang ay aawit sa tuwa,
ito'y muling gaganda tulad ng
mga
at mamumunga nang sagana, tulad
ng
Mamamasdan ng lahat
kaningningan ang
at kapangyarihan ng Panginoon.
Inyong palakasin ang mahinang
kamay,
at patatagin ang mga tuhod
na
lupaypay,
ito ang sabihin sa pinanghihinaan
ng
loob:
"Huwag kang matakot,
laksan mo ang iyong loob,
darating na ang Panginoong Diyos,
at ililigtas ka sa mga kaaway."
Ang mga bulag ay makakikita,
at makaririnig ang mga bingi;
katulad ng usa, ang pilay ay lulundag,
aawit sa galak ang mga pipi.
Ang mga tinubos ng Panginoon ay
babalik sa Jerusalem,
masiglang umaawit ng pagpupuri.
Paghaharian sila ng kaligayahan.
Lungkot at dalamhati ay mapapalitan
ng tuwa at galak magpakailanman.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10
Ang maaasahang lagi'y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.
Tugon: Halina, Panginoong D'yos upang kami ay matubos. ang ating Poong Maykapal.
Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya'y nililingap.
Tugon: Halina, Panginoong D'yos upang kami ay matubos. ang ating Poong Maykapal.
Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila'y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo't ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.
Tugon: Halina, Panginoong D'yos upang kami ay matubos. ang ating Poong Maykapal.
Walang hanggang Hari,
ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!
Tugon: Halina, Panginoong D'yos upang kami ay matubos. ang ating Poong Maykapal.
Santiago 5, 7-10
Tibayan ninyo ang inyong 10010, sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago
Kaya nga't magtiyaga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang bunga ng kanyang bukirin, at ang pagpatak ng una at huling ulan. Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob, sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.
Huwag kayong maghinanakitan, mga kapatid, upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa ngalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan.
Ang Salita ng Diyos.
Isaias 61, 1
(Lucas 4, 8)
Aleluya! Aleluya!
Espiritu ng Maykapal
nasa akin upang hat'dan
ang mga dukha ng aral.
Aleluya! Aleluya!
Mateo 11, 2-11
Kayo po ba ang ipinangakong paririto o maghihintay pa kami ng iba?
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon: Nabalitaan ni Juan Bautista, na noo'y nasa bilangguan, ang mga ginagawa ni Kristo. Kaya't nagsugo si Juan ng kanyang mga alagad at ipinatanong sa kanya, "Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?" Sumagot si Hesus, U Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, u gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang p mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!"
Pag-alis ng mga alagad ni Juan, nagsalita si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan: "Bakit kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isa bang tambo na inuugoy ng hangin? Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagdaramit ng maringal ay nasa palasyo ng mga hari! Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? 00. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa propeta. Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan: 'Narito ang sugo ko na aking ipinadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.' Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, wala pang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa kanya." Ig
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.