Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.
UNANG LINGGO SA PANAHON NG PAGDATING NG PANGINOON - TAON A
ısaias 2, 1-5
Titipunin ng Panginoon ang lahat ng mga bansa at paiiralin ang walang hanggang kapayapaan
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni
Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem:
Sa mga huling araw,
Ang bundok na kinatatayuan ng
Templo ng Panginoon
Ay mamumukod sa taas sa lahat ng
bundok.
Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
Ang maraming taong lalapit sa kanya
ay magsasabi ng ganito:
"Halikayo, umahon tayo sa bundok ng
Panginoon,
sa Templo ng Diyos ni Jacob,
upang malaman natin ang
kanyang mga daan
at matuto tayong lumakad sa kanyang
mga landas.
Sapagkat sa Sion magmumula ang
Kautusan, at sa Jerusalem, ang
salita ng Panginoon.//
Siya ang mamamagiian sa mga bansa
at magpapairal ng kapayapaan.
NG PANGINOON
Kung magkagayun, gagawin na nilang
sudsod ang kanilang mga tabak,
af karİt ang kanilang mga sibat.
Wala nang magsasanay sa pakikibaka
at mawawala na ang mga
digmaan.
Halina kayo, sambahayan ni Jacob@
at tayoPy lumakad sa liwanag ng
Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 121, 1-2.4-5. 6-7.8-9
Ako ay nagalak, sa sabing ganito:
"Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!"
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.
Tugon: Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos.
Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ni Israel upang manambahan,
ang hangad, ang Poon ay pasalamatan.
Pagkat ito'y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.
Tugon: Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos.
Ang kapayapaan nitong Jerusalem,
sikaping sa Poon yao'y İdalangin:
"Ang nangagmamahal sa 'yo'y pagpalain.
Pumayapa nawa ang banal na bayan,
at ang palasyo mo ay magİng tiwasay."
Tugon: Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos.
Dahilan sa aking kasama't katoto,
sa 'yo Jerusalem, ang sabi ko'y ito:
"Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.
" Dahilan sa templo ng Poong ating D'yos,
ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.
Tugon: Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos.
Rornz 73. 77-14
Ila:apit na ang pagljligtas sa atin.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid:
Alam ninyong panahon na upang gumising kayo sa pagkakatulog. Ang pagliligtas sa atin ay higit na malapit ngayon kaysa noong tayo'y magsimulang manalig sa kanya. Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahaf ng gawang masama at italaga ang sarili sa paggawa ng mabuti. Mamuhay tayo nang marangal af huwag gugulin ang panahon sa paglalasing at magulong pagsasaya, sa pagpapakasawa sa pita ng laman at kahalayan, sa alitan at inggitan. Ang Panginoong Hesukristo ang paghariin ninyo sa inyong mga buhay at huwag paglaanan ang laman upang bigyang-kasiyahan ang mga nasa nifo.
Ang Salita ng Diyos.
Salmo 84, 8
Aleluya! Aleluya!
Pag-ibig mo'y ipakita,
lingapin kami tuwina
iligtas kami sa duşa!
Aleluya! Aleluya!
Mateo 24, 37-44
Magbantay kayo upang maging handa.
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ang pagdating ng Anak ng Tao ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. Noon, ang mga tao'y nagsisikain, nagsisiinom at nag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe. Dumating ang baha nang di nila namalayan at tinangay silang lahat. Gayun din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. Sa panahong iyon, may dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang İsa at iiwan ang İsa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang İsa at iiwan ang İsa. Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw parİrİio ang İnyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya'y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Save this lectionary as a PDF - the full readings, from the first reading to the Gospel.